Chapter 28 Dazed and Confused

477K 6.1K 233
                                    

YAY...500K READS. asdfghjkl words can't even express my gratitude to all of you. THANK YOU FOR KEEPING MY STORY ALIVE. Love y'all! This chapter is dedicated to Lyka na matagal nang ngrerequest ng dedic. :) Feel free to message me for dedications! Please do read Romancing the Nanny,my second priority story. Thank you.

***The next day...

Graciela's POV

Nandito ako ngayon nakaupo sa may dining table at nakapangalumbaba. Tinamaan ako ng katamaran...pati ang tumayo ay tinatamad ako. Buti na lang linggo ngayon at wala akong pasok.

Haaaaaaaaaaaaaayyy....

Napangiti ako nang maalala ang nangyari kahapon. He said I am special..mas special pa sa royal bibingka ng Marsha's sa Vigan.Natikman ko yun minsan nang magbakasyon kami sa Ilocos. Natatakam na tuloy ako. Bakit ba lahat ng naiisip ko ay nahahalintulad ko sa pagkain?

Sabi ko noon...hinding-hindi ako magkakagusto kay Yvo dahil una pa lang sa listahan ko ay ekis na sa kanya. Kahit nga siguro gaano kahaba ang listahan mo ng gusto mo sa isang lalake..pag tinamaan kana ng pana ng kupido...lahat ng linista mo ay mababalewala.

Everything was surreal yesterday. Hindi ko akalain na magkakagusto ang cold hearted kong boss sa akin. And namimiss ko na din ang luto niya. The first time a man cooked for me. Simpleng omelet lang yung niluto niya pero parang kumain ako sa five star sa sarap.Mas masarap talaga kapag homemade. Akalain mong ang sobrang busy na billionaire kong boss eh pinagluto ako. Akala ko dumedepende lang siya sa kung anong kayang gawin ng pera niya.

Naalala ko ang diskusyon namin nang dahil lang sa avocado ice cream.

"Yvo huwag ka nang magluto,"sabi ko. Kasalukuyan kasi siyang naghahalungkat ng maluluto sa fridge niya. Tinanong ko nga siya kung bakit ang dami niyang food samantalang hindi naman siya nakatira dito. Ang sabi niya..sinabihan na daw niya yung caretaker ng bahay ng papunta na kami dito. At saka pinupuno daw nila ito lagi kasi pasulpot sulpot daw ang punta niya dito.

Umayos siya ng tayo at namaywang. Hmm..parang ang sarap ng pandesal. Kumikinang kasi yung abs niya dahil sa sinag ng araw na galing sa glass wall window."Why? Paano tayo kakain kung hindi tayo magluluto. " pagkasabi niya ay naghalungkat ulit.

"Kasi ice cream lang naman ang gusto ko,"  sabi ko.

"Napatayo siya ulit ng tuwid at di makapaniwalang tumingin sa akin."W-whaat? Ice cream sa agahan?..NO,its not healthy."

Tinaasan ko siya ng kilay. "mas marunong ka pa sa akin eh ako yung gutom." pagsusungit ko. Ganito talaga kapag gutom. Lalo na at hindi ka pa mapagbigyan. Aabusuhin ko na siya ngayon dahil wala kami sa opisina.

Naiiyak akong tumayo mula sa pagkakaupo... "Parang ice cream lang *hik* hindi mo pa maibigay.."bumubulong-bulong kong sabi habang naglakad papuntang living room. Umupo ako sa sofa at itinakip ang throw pillow sa mukha ko. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko this past few weeks. Masyado akong sensitive.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at huminga siya ng malalim. "Sige na nga...you can have a couple of scoops habang nagluluto ako." malambing na sabi niya. Na siyang nagpa-angat ng mukha ko mula sa pagkakadukduk sa pillow.

"Talaga?"may halong dudang tanong ko.

Tumango siya.

Itinabi ko yung pillow sabay tayo.

Ngumiti ako ng matamis. "OKAY!...avocado flavor hah?" pahabol ko sabay talikod sa kanya at naglakad papuntang dining.Umupo ulit ako sa silyang nilayasan ko kanina.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon