Chapter 25 Out of my league Part 2

463K 5.1K 372
                                    

***Continuation ito ng chapter 24..please read it first before reading this..Ok? okay.

Yvo's POV

Nang makarating ako sa club ay napansin ko na agad na madami ang mga taong nakapila sa labas kahit mag-alas otso pa lang. Ganito talaga dito lalo na at friday night.

Nang makapasok ako ay dumiretso na ako sa rooftop kung nasaan ang tambayan ng barkada. The VIP lounge which is exclusive for the owners ay nasa taas ng cocktail bar and is facing the pit or the dancefloor so kita mo pa din lahat ang mga tao kahit nasa taas ka. Salamin kasi ang front wall niya so kita mo sila pero hindi ka nila makikita sa loob. Nang buksan ko ang pinto ay agad ko naman silang nakita lahat at may mga babae pa duon... na hindi na nakapagtataka. Umupo ako sa tabi ni Lysander na nakaupo sa kaliwang gilid.

"Buti naman at nagpakita kana? Akala ko nakalimutan mo na kami," madramang sabi Flynn habang may kaakbay itong babae na hindi pamilyar sa akin. Siguro nakuha lang niya ito sa nightclub na nasa second floor.. He's the cocky guy in our group.

Binatukan naman siya ni Kier na siyang katabi niya sa upuan.Hindi katulad ni Flynn, wala itong kayakap na babae. He is the serious type in the group. Dala na sigurong isa na siyang tatay ng kambal. Magmula nang mamatay ang asawa nito, nawala na ang jolly side niya. "Ang bading mo talaga," sabi ni Kier.

Nagtawanan kami. "How was your vacation?" tanong ko kay Kier sabay kuha ng isang bote ng alak sa gitna ng mesa namin... at nagsalin ako sa isang baso.

Nagkibit-balikat siya..."fun? I guess," sagot lang niya sabay tungga sa bote na hawak niya.

"Tsss... nakahuli yan ng isda duon kaya lang nakawala sa pagkakatali..." natatawang sabat ni Flynn

Binigyan siya ng mababaw na suntok ni Kier dahil sila ang magkatabi.

"Ang sadista mo talaga,"nakasimangot na sabi ni Flynn. Napapailing na lang ako dahil sa aming lahat siya lagi ang napagdidiskatahan namin.

 "Asan na ba si Lucio?" takang tanong ni Lysander. The hopeless romantic one in the group. Balita ko may girlfriend ito ngayon...but it sounds complicated..

 "Where's your girl," tanong naman ni Bullet imbes na sagutin ang tanong ni Lysander. Bullet was the cool one... madali itong pakisamahan...he looked like the playboy one in the group but the truth is isa siyang dakilang torpe.

"She's on duty..." tipid na sagot ni Lysander. Isa kasi itong Doctor.Hindi ko lang alam kung gaano na sila katagal.

"Ang alam ko pinuntahan ni Lucio yung girlfriend niya sa baba..."sagot ni Sebasten sa tanong ni Lysander kanina. Ang attorney ng barkada. Nag-iisang babae lang ang minahal niya pero pinakawalan pa. We share the same sentiments....we both prioritize work more than anything else.

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pintuan duon at pumasok si August. "Whats up..my brothers!!!?" pasigaw na bati niya.Umupo ito sa gitna nina bullet at flynn..sumiksiksik siya dun kahit wala nang space. Nakipag-fist bumped siya sa aming lahat. Siya na ang kasal sa aming lahat bukod kay Kier. Minsan ko lang nakita ang asawa niya...nung wedding nila mismo a year ago. Actually..fixed marriage yun..

"Kamusta ang under?" birong tanong ni Kier..

"Bwisit....Under pa din,"pag-amin niya na siyang nagpatawa sa amin. Kapag nakita mo kasi ang asawa niya...nakakatakot. Mabait ito kaya lang palaging nakasimangot sa amin kasi kaibigan namin ang asawa niya. Parang lahat ng related kay August ay naalibadbaran siya.

"Baka naman kasi nagkaka-athritis kana at di mo siya mapaligaya sa kama?" natatawang sabi naman ni Bullet.

"Hindi ko nga mahawakan ni dulo ng daliri niya..sa tingin mo aabot pa kami sa kama.."frustrated na sagot niya. Napahalakhak naman kaming lahat...nakahawak na nga sa tiyan nila sina bullet sa kakatawa. Biruin mo yun ang playboy na si Augusto...hindi maka-score sa sariling asawa.

P.S. I'm PregnantWhere stories live. Discover now