Chapter 37 Love moves in mysterious ways

458K 6.3K 734
                                    

Dedicated to her. Here you go love. It was long overdue but hope you like it. Thank you sa mga nagvotes. Special mention to @Mystmea my 999th voter. Haha! Woah.. #8 GF and #13 R. Kalerkey!

Graciela's POV

Pagkahatid ko kay Elias sa bahay niya ay ginamot ko lang ang mga sugat niya at pagkatapos ay pinahatid na lang ako sa driver nito.Hindi ako pumayag na siya mismo ang maghatid sa akin.

Nagmukmok ako sa aking kwarto. Mabuti na lang at tulog si Giana nang dumating ako. Pero hindi rin ako nakaligtas sa pagtatanong niya kinabukasan. Nanatiling tikom ang aking bibig. Tila naintindihan naman niya at hindi na siya nagpumilit pa. Nagkulong lang ako sa kwarto ko buong araw ng linggo. Iniisip ko ang lahat ng nangyari at mga sinabi ko kay Yvo party.

I didnt really mean it.

Ayaw ko lang naman na magkagulo pa ng tuluyan sa party. At kung sakali man, kawawa si Elias dahil puro Villareal ang nandoon.

Naguguluhan na din ako sa aking sarili. Nagsisisi ako na iniwanan ko na lang si Yvo sa party. Pero andoon si Mrs. Villareal, baka kung ano pa ang isipin niya kaya nasabi ko ang mga iyon kay Yvo. 

Ang daming 'baka'.

Gusto kong ipakita na kaya kong panindigan ang ipinangako kong pipigilan ko ang nararamdaman ko para sa apo niya.

Ngunit tila hindi iyon ganoon kadali. Sa sobrang kulit ni Yvo ay mukhang malabo na malimutan ko siya.

Kung kaya napag-isipan kong ito na siguro ang tamang panahon para magkausap kami. Hindi ko na isasarado ang aking isipan sa mga posibilidad.

Maaga akong nakarating ng office kahit rush hour. Nakakapagtakang lunes na lunes ay hindi traffic. Habang paakyat ako sa floor namin ay naririnig kong nagbubulungan ang mga ibang empleyado kapag nadadaanan ko sila. Siguro dahil sa nangyari noong sabado.Anibersaryo ng kumpanya pero nagulo ang lahat ng dahil sa akin. Wala akong balita kung ano ang nangyari pagka-alis namin ni Elias.

Hindi na ako sigurado sa aking sarili kung kaya ko pang panindigan na tumagal dito hanggang sa makabalik si Liza. Baka nalaman na ng mga empleyado ang nangyari kung kaya iba sila makatingin sa akin. At hindi ako makakapagtrabaho ng maayos kung ganito ang mabubungaran ko araw-araw.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng elevator. Iniluwa niyon si Yvo na may dala-dalang briefcase. Babatiin ko na sana ito nang walang imik na dumiretso ito sa kanyang opisina. Naiwan ako doon na nakatitig lang sa pintuan na pabagsak niyang sinarado.

Nanlulumong napaupo ako.

Galit ba siya?

Siguro. Dahil pinahiya ko siya sa mga empleyado at colleagues niya. At pati na din sa mga  pamilya at kaibigan niya.

Sumobra na ba ako?

Sa totoo lang minsan nakakabobo na ang umibig. Hindi ko alam kung aling tanong ang uunahin kong hanapan ng kasagutan.

Napasandal ako sa upuan ko. Hinimas ko ang maliit ko pang puson. Sinabi ko lang naman sa kanya na akin lang ang si little dragon dahil gusto ko siyang saktan. Gusto kong maramdaman niya ang sakit na naramdaman ko nang iwan niya ako sa suite niya.

Pilit kong tinatanong ang sarili ko kung naging masaya ba ako? Sa lahat ng pinakita at sinabi kong hindi maganda kay Yvo?

I just felt miserable.

Sinabi niyang mahal niya ako. Pero hindi ako nakinig. Hindi ako nakuntento. Hindi ko siya nasagot.

Na mahal na mahal ko pa rin siya kahit sinaktan niya ako.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon