Chapter 44 Goodbye

343K 5.6K 267
                                    

Isabel's POV

"Isabel,puntahan mo ang pinsan mo?" utos sa akin ni Lola. Kasalukuyan kong ninanamnam ang sarap ng itlog na maalat fresh from Pateros. Taga-doon kasi ang isa sa mga staff ng shoot namin kahapon kung kaya pinabahagian niya ako ng dala niyang salted eggs.

"Who?" nayayamot kong tanong. Tinatamad pa naman ako lumabas ngayon. This should be my rest day from work and from Dad who keeps nagging me.

"Yvo." maikling sagot nito na nasa harapan ko na nakaupo. Sa may patio kasi ako nag-aagahan.

"Why me?" ngumunguyang tanong ko ulit.

"Why not?"

"Lola naman eh. Kita mong rest day ko ngayon. At tsaka isa pa, broken hearted pa iyon kaya malamang sa malamang hindi iyon matino kausap ngayon." sabay kuha ng kamatis sa platitong may patis.

"Pwede ba Isabelle, ibaba mo yang paa mo kapag kumakain ka. Kababae mong tao." napipilitang ibinaba ko ang paa ko. Masarap pa naman kumain ng nakataas ang paa. "Anyways, pupuntahan mo o papauwiin kita sa inyo."

Sumimangot ako. Wala kasi akong matutuluyan ngayon dahil ang walanghiya kong kaibigan eh dinala ang boyfriend sa apartment niya. At doon sila naglalampungan. Nakakasuya. Ayoko naman na mag-hotel dahil magastos. At mas lalong ayokong mag-stay sa suite ko sa Bellavill dahil pupuntahan na naman ako ni Daddy doon para sermonan. Kaya napilitan akong tumira dito sa mansyon tutal wala na si Sandra the Bitch.

Pero kahit papano naaawa din ako sa babaeng iyon. Ang balita ko nakalabas na ito sa kulungan. I hope she already learned her lesson.

"Lola,just leave him alone."

"Iyon na nga ang ginawa ko sa loob ng dalawang linggo. Ang problema ko ay kung buhay pa siya o hindi dahil hindi man lang tumatawag sa akin."

"Masamang damo iyon pero takot iyon mamatay."

Sinamaan niya ako ng tingin.

"FINE! Ang hirap talagang maging paborito palaging inuutusan. So what should I tell him when I get there?"

"Kumbinsihin mong bumalik na sa opisina dahil on going na ang construction sa Europe branch ng kumpanya."

"Eh paano si ate Graciela? Mukhang hindi pa rin niya nahahanap."

"Pinapahanap ko na siya at mukhang may lead na ang mga tauhan ko. Hindi pa naman tiyak. Hindi ko alam na mas matinik pa sa daga itong si graciela kung magtago. Sige,alis na." pagtataboy niya sa akin.

"Lola,pwedeng tapusin ko muna itong kinakain ko. Kung pwede lang naman."

"Kanina ka pa kumakain ah. Namumulubi na ako sa iyo. Tina, ilang balde na bang kanin ang nakakain nito magmula kahapon?" baling nito kay Tina na natatawa sa pinagsasabi ni Lola.

"Naku Madam, wala na ngang laman iyong bigasan eh." pang-sasakay naman niya sa kalokohan ni Lola.

"Hmp! Parang rice lang pinagdadamot mo pa." tumayo na ako sa upuan at binanlawan ang kamay kong amoy patis. Tinuro ko si Tina na nakatayo lang sa tabi. "Tina, walang kakain ng itlog ko. Maski ikaw Lola." tumingin pa ako sa direksyon nya. Madami pa kasi iyong natitira.

Iwinagayway lang niya ang kamay niya para paalisin ako.

Nagdadabog na tumayo ako at umakyat na sa guest room. Kahit kailan talaga si Lola,panira ng pagre-relaks ko.

***

"Can I have the key for Kuya Yvo's suite?" tanong ko sa may front desk.

"Naku Maam,mahigpit po niyang ipinagbilin na huwag siyan iistorbohin."

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon