Chapter 47 She was mine

548K 7.2K 506
                                    

SPG Alert!

Graciela's POV

"May dala ka bang sasakyan?" tanong ni Yvo habang magkawak-kamay kaming naglalakad patungo sa sasakyan nito. Pagkatapos niya akong ipakilala sa magulang nito bilang official "girlfriend" niya ay inaya na akong dumiretso sa mansyon. Dahil may misa nga na magaganap doon. Alam ko na ang tungkol doon hindi ko na lang sinabi dahil malalaman din naman niya mamaya.

"Hinatid lang ako dito." Si Mrs. Villareal ang naghatid sa akin. Kasama din namin si Giana pero nauna na ito sa bahay dahil pagod daw ito sa byahe.

"Sino?"

"Yung taxi driver." natatawang sagot ko.

He tssked. "Dapat tinawagan mo na lang ako. Huwag ka na ulit sasakay ng kahit anong public vehicles."

"Eh hindi na iyon surprise kapag nagpasundo ako sa'yo. At isa pa mabait naman yung naghatid sa akin eh."

"Ngayon na magkasama na tayo, ako na lang ang tawagan mo para maging driver mo. Okay?" sabi niya habang pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse niya.

"Opo boss." ngumiti siya at mabilis na umikot patungo sa driver's side.

"Nga pala sweetheart, sa suite ko na ikaw titira. I dont want you anywhere but near me." panimula nito habang nasa biyahe kami. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagdi-drive siya na isang kamay lang ang nakahawak sa streering wheel. Tapos naka-shades pa ito. Palagi ko naman siya noon nakikita sa ganitong pustura. Pero mas hot siya sa paningin ko ngayon. Tapos yung biceps pa niya parang mas lalong naging yummy. Bigla ko itong pinisil. Pinanggigilan ko actually. Pagkatapos kong magsawa ay yinakap ko na lang braso niya. Natatawang hinayaan na lang niya ako.

"Naging stress reliever mo ba ang gym?" hindi ko pinansin ang sinabi niya. Mukha namang nakapagdesisyon na siya.

"Not really." he winked at me. Ibinalik nito agad ang tingin sa daan.

"Not really ka diyan. Ako huhusga kung may progress ba ang pinaghirapan mo sa gym." ipinatong ko sa tiyan niya ang isa kong kamay at pinakiramdam ko kung kumpleto pa ang eight pack abs niya. Bakat kasi ito sa white dress shirt niya. "Not bad." komento ko pero hindi pa rin ako tumigil sa pagkapa sa may abs niya.

Tumawa naman ito ng pagkalakas-lakas.

"Yeah. Welcome back my naughty assistant." pati ako ay natawa na rin. Pinapasimplehan ko kasi ito dati.

"Hey! Im not naughty when I was your assistant." pagtatanggol ko sa aking sarili kahit may katotohanan ang kanyang sinasabi. "Pero naaakit ka sa akin noon?" i asked him dreamily.

"Im a man,sweetheart. Its hard to pretend Im not affected by your hotness. "

"So Mr. CEO? It seems like you broke your rules." pang-aasar ko. Ang tindi pa naman ng pagkakasabi niya sa akin noon na walang office relationship.

"Yes I did. I think I already broke my rule from the very first time I saw you wiggling your hips underneath that table. Im just too proud to admit it."

Nanlaki ang mga mata ko at kinurot ang tagiliran nito. Napa-aray naman ito. "You pervert."

"Hey. Its your fault for being too sexy. Hindi mo lang alam kung paanong pagpipigil ang ginawa ko. I even thought of starving myself para lang makaiwas sa'yo. Pero talagang nanadya ka." nakalabing sabi niya.

Humagikgik lang ako at sumandal sa kanyang balikat. Parang kailan lang ang mga nangyari. Ngayon magkasama na kami ng boss ko at siya pa ang tatay ng ipinagbubuntis ko. Isa na lang ang kulang sa amin. Sa ngayon makukuntento muna ako sa kung ano kami kahit iyon pa ang matagal ko nang pinapangarap. Hindi na dapat minamadali pa ang mga bagay-bagay.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon