Secret 60.2

7.5K 115 43
                                    

Chapter 60

*bago mag sayawan*

Pagkatapos ko ibalik si Flipper ay bumalik na ako sa bahay pagdating ko ay nahagip ng mga mata ko ang dalawang malaking box. Siguro kay Presea yun at kay mama. Makapagpahinga nga muna ay hindi pala kailangan ko palang tingnan yung midterm grade ko baka kasi may bumaba o ewan basta titingnan ko pagpasok ko sa loob ay in-on ko ang computer.

Hindi naman ako kinakabahan dahil sure naman ako na hindi ako babagsak.

Tinype ko yung royalacademy.edu.com din hinanap ko yung pangalan as expected naman malalaki ang grades ko . hayy!

XXXX – 1.5

XXXX – 1.4

XXXX – 1.4

XXXX – 1.6

ETC

Wag niyo na itanong kung anong subject iyan kasi mga major subject ko iyan at yung minor naman ay mataas din naman grades ko.  Sa mga hindi pa nakatungtong ng college ganyan ang grading system namin. Ang pinaka taas ay ang 1 and 2 at ang 3 naman ay pasang awa lang.  

“nak!” tawag ni mama sa akin sa labas ng kwarto. “MAY IPAPAKITA AKO SA'YO! LUMABAS KA NA SA KWARTO MO”

ano kaya?”

Nagtatakang tanong  niya. Tumayo ako sa kinatatayuan ko then I open the door. Bumungad sa akin na nakangiting ina ko.

“Oh?”

Pinakita niya sa akin ang malaking box.

“Guess mo kung anong laman nito.”

“Dress?”

“You’re no fun. Pano mo nalaman?”

“Tingnan mo nga iyang box oh may nakasulat na Dress. Kanino mo ipapasuot iyan?”

“Sa'yo.”

“Eh?”

“wag mo akong ma eh eh diyan. Hindi ka na bata tsaka mas maganda na pumunta ka bukas sa sayawan dahil once in a lifetime lang yun 'no. tsaka sige na pumunta ka na doon parang JS prom lang yun. Wala naman sigurong masamang gagawin ang mga boys since mas malakas ka kesa sa kanila di ba?”

I smirk ng maalala ko yung JS prom. Naalala ko tuloy kung pano ko binugbog yung manyak na naging partner ko noon sa sayaw.

“Hindi ka na sana nag-abalang bumili. Pwede naman yung old dress eh. kasiya ko pa naman yun.”

Tinaasan niya ako ng kilay. “Sino naman nagsabi  na binilhan kita? Alam ko naman na ayaw mong pumunta eh kaso nga lang meron nag-deliver nito at walang nakasulat dito kung kung sino ang nagbigay tsaka baka naman secret admire mo ito at gusto ka niya makita doon. Ayyiee!”

“Ha ha ha! Nakatatlo ako ng tawa.”

Parang alam ko na kung sino ang nagbigay nito. >.< Kaasar talaga iyan si Rui eh! sigurado ako na sakanya 'to.

“Oh. Hindi mo na din kailangan ng bagong kwentas para eparis nitong dress pwede na iyan.” Turo niya sa suot ko.

Pagkatapos naming mag-usap ay kakausapin ko si Rui kaso nga lang lowbat ang CP ko. Hay naku nga naman. Tingnan ko na lang yung FB o yahoo niya kung online siya. Pero wala offline. Geez.

Mukhang wala na talaga akong kawala nito eh. Hayy! Bahala na nga.

Next Day

Ring!! Ring!!

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon