Secret 27: Island!

16.9K 271 19
                                    

DONE. (1/24/14)

Chapter 27

Island!

NAALIMPUNGATAN si Zia sa ingay sa kung saan kaya naman bumangon siya, bigla niya sinapo ang kanyang ulo dahil sa sakit. “Shit. Hangover!” Napadami ang kanyang inom dahil na din sa mga kaibigan niya. Letse! hindi na siya iinom ng alak! Wala din siyang matandaan na nangyari kagabi.

Nabulabog siya nang bigla ng sumingaw.

“Sunog!!!!!”

Sunog? Hm.

5

4

3

2

1

Oh shit! Sunog?!

Bigla siyang napatayo kahit na sumasakit pa ang kanyang ulo at sabog na sabog ang buhok ay nataranta siya. Napatigil siya nang matapat siya sa salamin at nakitang. Lanya! Sinong nagsuot ng night dress sa kanya?!

Mga hinayupak kaya ba nila siya nilasing dahil para pasuotin siya nito?! loko! Papatayin niya kung sino ang kagagawan nito! Heck! Lagot na din siya sa daddy niya dahil hindi siya umuwi sa bahay!

Naman! wala siyang panahon do’n! kaya naman daling-dali na lumabas tas bigla siya natigilan ng biglang may narinig siyang hagikgik ng apat na babae. Walang iba kundi sina Sunny, Erica, joanaliza at si Mhikaila.

“Sunog Daniel! Bilisan mo!!!”

“Ano?!?!”  Bulalas ni Daniel sa loob ng C.R agad na lumabas ito at bahagyang nakabukas ang polo nito at naka-boxer lang. Magulo ang buhok at at yung medjas naman ay baliktad. “Saan ang Sunog!?? Halina kayo!” Natatarantang tumakbo ito patungo sa pintuan.

 Langya! Akala din niya may sunog. Phew. Mabuti na lang at hindi siya gaano nakapag-react do’n kung hindi sigurado siya na baka pinagtatawanan na siya nito.

 “hahahahhaahaha!” 

Tsk kainis naman kayo eh!!!” Lumapit si Daniel sa apat na dalaga.

 “Wawa ka naman bata!” Si Sunny 'yon, sapo ang tiyan habang tumatawa.

Tumikhim si Zia para maagaw niya ang  kanilang, kagaya ng inaasahan niya ay lumingon ang mga ito sa direksyon niya. 

 “Good morning boss!” bati nila.

 “Sinong nagbihis sa akin?” malamig na tanong niya, wala talaga siya sa mood na makipagbiruan sa mga ito. Nabadtrip siya sa suot niya!

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon