Secret 09: Sinister Smile

22.6K 289 14
                                    

DONE EDITED. (2/11/14)

Chapter 9

Sinister Smile

            SA pagbukas niya sa pintuan ng classroom ay kasabay niyon ay nabuhusan si Zia ng maruming tubig. Hindi niya napigilan na mapasinghap. Anak ng putakte! Sinong gumawa nito sa kanya?!Matagal na din siyang hindi hindi nakaranas ng ganito and it made her anger even more. How dare them did that to her! Nilibot niya ang tingin sa paligid at nakita ang mga classmate niya na mukhang nasiyahan pa sa nakita nila.

“Tanga kasi eh.” Sa kinamalasan ay classmate niya ito sa Statistic. Ito ang agad ang pinagsuspetsahan niya dahil ito lang naman ang mainit ang dugo sa kanya.

“Good A—Ms. Savedraa! What happened to you?” Tanong sa kanya ni Mrs. Yap na nasa likod niya. Humarap siya dito.

“Uh—“

“Nahulog siguro siya sa imbornal at pumunta rito ma’am kahit na mabaho na siya!” Boses iyon ni Venus. Damn that bitch! Palihim na kinuyom niya ang kanyang kamao. She promise through herself that she’ll make the bitch regret all the things she did to her!

“Naku! Ms. Savedraa, pumunta ka ngayon sa shower room at maligo at magbihis baka magkasakit ka niyan.”

“uhm.. sige po.”

Sa gilid ng mata niya ay nakita niya si Venus na nakipag-high five sa mga kaibigan nito.

You’re gonna pay for what you did bitch! Humanda ka mamaya!

NASA loob ng shower room si Zia at hindi siya makapaniwala sa nakita niya sa loob. Napaka-elegante ng shower room! Para siyang nasa isang five star hotel siya. At hindi sa lahat may sauna dito sa loob. Minsan naisip niya kung nasa school ba siya dahil napakalaki naman kasi eh! Inamoy niya ang sarili at napangiwi siya. Anong klaseng tubig ba ang ginamit nila at ganun katindi ang amoy?! Agh! Pumasok na lang siya sa isang cubicle at hinubad ang lahat ng damit sa katawan at nagsimulang naligo. Nasa kalagitnaan na siya ng pagshampoo ng may narinig siyang lagaslas sa kabilang cubicle. Nagkibit balikat na lang siya at nagpatuloy sa ginagawa.

Ilang minuto ang nakalipas ay natapos din siya sa pagligo. Kinuha niya ang tuwalya tas tinapi sa hubag niyang katawan. Mabuti na lang at may spare siyang damit kung hindi ay baka uuwi na lang siya na amoy imbornal. Nasa loob ng locker ang damit niya kaya kailangan niyang lumabas sa cubicle. Kasabay sa paglabas ko sa cubicle ay lumabas na din iyong tao sa kabila. Napahigpit ang paghawak ko sa tuwalya na nakatapi sa katawan ko at namimilog ang mata na nakatitig sa lalaking na lumabas katabi ng cubicle niya.

Sinukbit nito ang face towel sa balikat nito. Hindi niya napigilan na mapatili. Sino naman hindi?! May lalaki sa loob ng shower room!At hindi lang kung sinong lalaki dahil ang ungas na si Lance ang lalaking iyon! Napalingon din ito sa kanya at namimilog ang mata na nakatitig ito sa kanya.

“Ahhh!!!! What the fuck are you doing here?!” 

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon