Secret 10: Drunk

21.7K 314 29
                                    

Chapter 10

 “LANCE wait!” Hinabol siya ni Steffani.

“What do you want?” Tumigil si Lance sa paglalakad tas inangilan ang dating nobya. Kung maari lang ay gusto niyang makapag-isa. Ayaw muna niya makita ang mukha ng babaeng dumurog ng puso niya. Masama na ba iyon hiling? Hindi naman 'di ba?

Yumuko ito at tila maiiyak na sa simpleng pag-angil niya rito. Ito ang unang beses na pinagtaasan niya ito ng boses.  

“I’m sorry.” Nakipagbreak ito sa kanya kanina and it hurt like hell. Ito lang ang babaeng minahal niya pero anong ginawa nito? Sinaktan siya! Walang nakakaalam sa relasyon nila dahil na rin sa hiling nito. Siguro kaya ayaw nito ipaalam sa lahat dahil nahihiya ito na siya ang boyfriend nito. Kahit na sabihin na gwapo siya at mayaman. Kung siya ang pipiliin ay ipagsisigawan niya na ito ang babaeng mahal niya. Kaya nakipagbreak ito sa kanya dahil daw nalaman ng parents nito na siya ang kasintahan nito. Ayaw kasi nang magulang nito sa kagaya niya na nagbibigay ng sakit ng ulo dito sa school mula high school.

At isa din daw rason nito ay may mahal na itong ibang lalaki, hindi nito pinlano daw iyon. What the fuck? Pano nabaling ang pagtingin nito sa iba eh lahat ng gusto nito ay ginawa niya!

Pinatili niya ang pagigng cool kahit ang totoo niyang ay nasasaktan siya sa tuwing nakikit aniya ito. He wants to strangle her pretty little neck but his conscience telling him to not to. She looks fragile and innocent na kapag isang pitik lang ay iiyak na.

 “Sorry my ass!”  He spat at her. At ang akala niya na kaya niyang panatilihin ang kanyang sarili na maging kalmado ay mali pala siya. Sinuntok niya ang dingding. Hindi ininda ang kirot na naramdaman. “Maiintidihan ko sana iyong parents mo na ayaw nila sa akin pero ipagpalit ako sa isang lalaki na sigurado ako na walang binatbat ay hindi ko matanggap! Tell me anong nagustuhan mo sa lalaking iyon?”

Kagat ang labi nito na naluluha na tiningnan siya. “Parati siyang nasa tabi ko. At napaka-caring niya. Mabait din.”

“Fuck! I can do that too! Kung hindi mo lang ipagpilitan na e-sekreto natin itong relasyon natin!” Kahit siya ay hindi rin sigurado kung kaya ba niyang maging sweet pero kaya niya iyon subukan! Damn it!

 Hindi siya nito matingnan ng diritso.   

“Hindi naman iyon ang punto eh. Na-realize ko na mas mahal ko siya kesa sa'yo. Sana naman maintidihan mo ako.”

Kinuyom niya ang kamao at pigil na saktan ito. “I see. Of course you love him. Siya naman kasi lang naman ang caring at parating nasa tabi mo na hindi ko kayang gawin para sa'yo.” He said in sarcastic voice. Tinalikuran niya ito at naglakad palayo.

 “L—“

“Okay na sa akin. Tanggap ko na. I don’t have those kinds of traits.” Tumakbo na siya palayo rito at tumigil lang sa malaking puno and he punch the tree. Bakit nagawa nito iyon sa kanya? He lover her.  I can’t believe she dump me because of that stupid bum guy!  

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon