Secret 05: Chigusa Clan

24.6K 341 10
                                    

DONE EDIT. (2/8/14)

Chapter Five

Chigusa Clan

“SHIT!” Hindi niya mapigilan na nagmura si Zia dahil sa inis. Ilang minuto na kasi siya nag-aantay ng masasakyan subalit walang jeep o taxi man lang tumigil sa harap niya! Kung bakit naman kasing rush hour ngayon eh. Ayan tuloy, malelate na siya sa kanyang klase. Pumara uli siya pero huminto iyong red sports car sa harap niya imbes na Taxi. Bumuksan ang bentana ng kotse at tumambad sa kanyang paningin ang mukha ni Akira na nakangiti sa kanya. Bahagya pang nag-salute sa kanya.

 “Yo, boss!”

Umismid siya at pinitik-an ang noo nito.

“Loko! Wag mo akong kausapin!” Asik niya dito.

“Si boss talaga. Pano ko magagawang hindi kausapin ang isang magandang dilag na kagaya mo?”

Umingos siya dito. Napakabolero nito kahit kailan talaga! Hindi naman siya maganda ngayon dahil sa ayos niya ngayon.

“Saan ka ba pupunta?” tanong nito sa kanya.

“Saan pa? Eh di sa school.” She rolled her eyes. Nakita niyang lumabas ito sa kotse nito at hinarap siya. “Oh bakit ka lumabas sa kotse mo? Umalis ka na nga masisira ata ang reputasiyon ko bilang isang nerd ng school natin kapag may lumalapit sa akin na isang kagaya mong gwapo.”

Hindi nito napigilan napangiti sa huling sinabi niya.  “Ano naman masama doon? Hindi naman nila malalaman na ikaw si Ice Phoenix. Pumasok ka na sa kotse ko, pareho lang naman tayong pinapasukan na school kaya sumabay ka na sa akin.”

 “Wow ang hot niya!” Komento ng isang babae na nasa malapit. Napailing na lang siya, babae nga naman. Pero totoo naman iyong sinabi nito na napakahot ni Akira ngunit immune na siya rito kaya hindi tatalab sa kanya ang kagwapuhan nito.

“I can’t.”

“Bakit?”

“Baka mabawasan ang pogi points mo sa mga babae sa school natin.”

Tumawa ito ng mahina. “Seriously, I don’t care about them dahil alam ko na hindi mangyayari iyon. Wala naman masama kung sasabay ka sa akin eh.” Pinagbuksan siya nito ng pinto. “Hop in, you don’t want to be late with your classes, di ba?”

 Nagpakawala siya ng malalim na hininga tas pumasok sa loob ng kotse nito. Wala din naman siyang magagawa dahil ayaw niyang ma-late sa klase. At kagaya ng inaasahan niya ay maraming schoolmate niya na napapasulyap sa direksyon nila ng makarating sa school. Hindi nakaligtas sa kanya ang matalim na tingin na binigay sa kanya ng ibang kababaihan. Obviously, they are jealous. Sino naman hindi? Gwapo si Akira. Hindi na siya magtataka kung isa ito sa top na pinakagwapo dito. Nakadagdag pa sa kagwapuhan nito ang pagiging matangkad.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon