secret 16.1: The Dead and the Game

19.2K 263 28
                                    

DONE EDIT. (2/18/14)

Chapter 16

The Dead and the Game

NASA labas lang siya ng coral at abalang in-observa ang mga trabahador kung pano nila pinaamo ang mga kabayo. Kung maaari lang ay hindi pa niya gustong lumapit sa mga kabayo dahil baka kung anong mangyari sa kanya na naman. Hindi naman siya takot, ng-iingat lang lalo na at may nagtangka sa kanyang buhay. Tsaka binigyan kami ng assignment ni Mrs. Ortez na obserbahin ang behaviour ng kabayo at gumawa ng report. Kaya heto, bitbit ang kanyang ballpen at notebook. Pinapasok ng trabahador ang itim na kabayo na ang dahilan ng nagkaroon siya ng benda sa noo at pasa. Pero kung pag-iisipin ay hindi naman nito kasalanan iyon dahil may kung ano naman daw ang matulos na bagay na tumama sa paa nito na dahilan sa pagwawala.

“Ma’am.” Tumigil siya sa pagsusulat nang lumapit sa kanya ang trabahador na may bitbit na itim na kahon na may red ribbon.

“Ano po 'yon?”

“Meron po kasi akong nakasulubong na isang babae doon sa bayan at pinasasabi na ibigay ko daw 'to sa'yo.”

Babae?

Nag-alangan na kunin ang box rito. Sino kaya ang nagbigay nito, wala naman pangalan na nakalagay kung kanino galing.

“Thanks.”

Pagkatapos ni'yon ay umalis na ito at siya naman ay naiwan siya mag-isa at nakatitig lang sa box. Umupo siya sa bermuda grass at sumandig sa likod ng fence. Tinanggal niya ang pagkatali ng box at sa gilalas niya ay si Cosiah iyon! Wala ng buhay, tirik ang mga mata at nahati ang katawan nito. Parang pinagligtad ang sikmura niya sa nakita, para siyang masusuka!

Nabitiwan niya ang box. Fuck. Sinong gumawa nito kay Cosiah?!

Napadako ang kanyang tingin sa isang maliit na papel na lumabas sa loob ng box. May nakalagay na A.I.P

            Dear Ice Phoenix,

Did you like my gift for you? Nakita ko kasi siya na pagala-gala kahapon eh kaya hindi ko mapigilan ang sarili na pilipitin ang leeg ng tuta mo at hiwain ang katawan. I really enjoy killing you little puppy.

-          Anti-Ice Phoenix

Her fist turn into a ball and let out a curse. Tae! Peste ka babae ka! Kaya pala kaninang umaga ay hinahanap sa kanya ni Rui si Cosiah. Malungkot na dinampot niya ang kahon at sinara iyon, hahanapan na lang niya ng magandang lugar kung saan niya ito ililibing ang bangkay nito.

*

            INILIBING niya ang katawan ni Cosiah sa liblib ng kagubatan, kahit na malayo-layo rin ang lugar na iyong libingan nito ay at least naman kasama naman nito ang mga ibon at iba pang hayop na namumuhay sa gubat. Pagkatapos niyon ay bumalik na siya sa mansion. At kagaya ng inaasahan niya ay nagpakasarap lang sa buhay. Imbes na inatupag ay gumawa ng report ay ang ginawa lang nila ay makipagtsismisan. Hay naku! At iyong dalawang myembro ng Gangster-Wannabe na sina Venus at Lorie ay bumalik na dito sa farm.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon