Secret 29 He Came

16.3K 250 37
                                    

Chapter 29

Kay bilis lumipas nang araw, ngayon ay bumalik sila Zia at Rui sa lungsod upang sumali sa contest na hindi naman niya gustong salihan. Kasalukuyan siya ngayon nilalagyan ng kolorete nang isang bakla, kung hindi siya makapagpigil ay baka nasuntok na niya ang bakla dahil sobrang daming arte. Marami itong sinasabi na kailangan kong gawin bilang isang dalaga. Dapat daw marunog siyang  maglagay ng make up at huwag na daw siyang magsuot ng salamin. Aba, sino ba ito upang sabihan siya ng ganun?! 

Sinulyapan niya ang sarili sa salamin, she was wearing a dark blue strapless ball gown with embroidery and made of taffeta. Blue stilettos at pinasuot pa sa kanyang ina ang kwentas at earring nito na isang heirloom daw.

“Tapos ka na ba, nak?” Tanong nang ina niya na kakapasok lang sa loob. She look stun when she saw her daughter looks beautiful and elegant. Tumango na lamang siya kahit na pinaulanan siya nang papuri ng pamilya ay hindi parin siya masaya. It was no secret that Zia detest this beauty contest.

She was all ready, mas mabuti pang ready na upang matapos na agad. And speaking of ready, kamusta na kaya si Rui? Minsan lang niya nakausap ang binata dahil lang sa empaktang babae na panay habol kay Rui.

Nang makapasok na sila sa van ay dumeretso na sila sa paaralan, doon sa gymnasium i-held ang contest kaya nagmadali silang lahat na pumunta. Hindi rin nagtagal ay naghiwalay na silang apat upang humanap sila nang mauupo. At siya naman ay nasa likod ng stage, hinanap niya agad si Rui subalit wala pa rito ang binata. Hindi kaya umatras ito?

Huwag siyang magkakamali na gawin iyon dahil kahit na ayaw niya sumali ay ayaw niyang ipahiya ang kanyang pamilya.

“Saan na ba ang lalaking iyon? Nagsisimula na ah!”

Nagsimula na ang MC na magsalita, sa 'laking gilalas niya ay ang MC nila ay walang iba kundi si Stephanie! Hindi niya tuloy maiwasan isipin na isa na naman ito sa scheme ng bruha! Nang matapos na ang speech nito ay pinasa niya ang mic sa matandang lalaki na katabi nito. Agad din niya nakilala kung sino ito, ang matandang iyon ay ang hardeniro!

Ang matanda pala ang headmaster!

“So this beauty pageant, this is not only battle with beauty and brain. Yes, you heard me right. Siguro naguguluhan kayo sa sinasabi ko but believe me, hindi namin pinili ang mga contestant dahil sa ganda nila kundi mayroon din silang tinataglay na galing. Ipapasiwalas din nila ang galing nila sa martial arts. Thanks to Ms. Ortez at binigyan niya ako ng idea kung pano mas lalong maging interesting ang Intramurals natin. So! Kung sino man manalo nila ay siyang tatanghalin bilang Mr. and Ms. Crucifix University.” Anunsyo ng matanda. Umugong ang bulungan sa buong gymnasium. Ibig sabihin lahat ng kasali dito ay may alam sa martial arts. It was not that bad to have this kind of concept, it makes her excited!

“Hindi lang iyon ang reward but also you’ll get a fifty thousand pesos and have a chance to date one of my boys as a winning prize!” dagdag nito. Ano daw?! Date one of his boys? Sino naman? Isa lang naman ang kilala niyang apo nito.

Parang sinagot naman ang katanungan niya dahil may sumigaw. “OH MY GOSH! A DATE WITH ONE OF THE DEMON GANG? KYA! IF I KNOW ANY BETTER I SHOULD HAVE ENTER THE CONTEST!”

Narinig din niya ang usapan ng ibang contestant. For girls, masaya sila doon pero ang mga lalaki naman ay pera lang ang ikinasiya nang mga ito. Iba nadismaya dahil pakiramdam nila babae lang ang may malaking benefit dito.

 Ilang minuto ay narinig niya ang masigabong palakpakan na nagpahiwatig na magsisimula na. Isa-isa tinatawag ang pangalan nila kasama na ang partner. Pero di parin siya mapakali dahil hindi pa dumadating ang kanyang partner. Naku! Mananagot ka talaga sa'kin, Rui!

Nang tawagin na ang kanilang pangalan, she silently curse him for not being there. Bahala na!

Zia was disappointed at him. Ba’t ganun? Alam nito na kapag hindi ito magpapakita dito ay mapapahiya siya! Mabigat ang mga paa na naglakad siya patungo sa stage pero bago pa siya lumabas patungo sa stage ay biglang may humawak sa kanyang kamay. “Pupunta ka doon kahit na wala ako?”

Biglang nanlambot ang paa nang dalaga ng marinig niya ang boses nito. “Oo, kahit na wala ka dito. The show still go on, I cannot afford to embarrass my parents. AND YOU OWE ME AN EXPLAINATION FOR BEING LATE!”

 KASALUKUYAN nakaupo si Cody sa VIP seat kasama ang kanyang mga kaibigan pwera kay Rui na kasali pala ito sa contest. Halos hindi na maipinta ang kanyang hitsura sa narinig mula sa kanyang Lolo. Pano nagawa nito ipagkanulo sila nang Lolo niya?!

Kung ganito naman pala ang mangyayari na isama silang magkaibigan sa prize. Eh di sana umalis na lang siya um-attend dito but too bad hindi pwede na wala ako dito dahil baka i-freeze ng kanyang Lolo ang bank account niya. Nagsilabasan na ang mga contestant, lahat sila ay may maipagmayabang naman sa mukha pero sigurado siya na mawawala din iyang ganda nilang lahat. Sino mag-aakala na ang ex niya ang nakaisip ng ganun? Buong akala niya ay peace lover ito pero ba’t ngayon ay siya pa ang nag-suggest sa lolo ng ganitong game?

He was bored at gusto niyang matulog na lang sa bahay pero napalis lamang ang boredom niya nang mapansin niya ang dalawang pares na bagong labas lang sa stage, particular na sa babae. Kung hindi lang tinawag ang pangalan nito ay baka hindi niya iisipin na ang Nerd pala ang babaeng iyon.

Tingnan mo nga naman, maganda naman pala ito kung mag-ayos.

“Ohh… ang cute naman ni Zia! At tingnan mo, Lance, ang partner niya ay si Rui! Lol! Pano niya napapayag si Rui na sumali?” Anito ni Crystobal. Lance shifted his eyes to Rui. Sa hindi niya malaman ay bigla siyang nakaramdam ng selos.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon