Secret 58 Rival

8.9K 126 21
                                    

Secret 58 Rival

“Anong ginagawa niyo dito ha?!” Naiinis na sabi ko. Nandito kaming lahat sa Faculty.

Neiji, Daniel, Mhikaila, Clark at si Andre! Silang lahat ang may kagagawan kaya nakulong ako sa Art room kasama ang dalawang lalaki!

At halos atakihin ako sa takot! Oo!

“anong ba ang iniisip ninyo kaya ginagawa ninyo ito ha!?” Tumaas na yung boses ko.

:”< sarap suntukin ni Andre oh! siya ang pasimuno ng lahat ng ito! “Aish! Ikaw naman Mhikaila ba’y ka naman sumali sakanilang kalokohan!?” Sarap sabunutan nilang lahat dito. Kung meron siguro akong sakit sa puso ay baka ay baka inatake na ako!

“Eh k-kasi naman eh pinilit lang naman nila ako! TT____TT ayoko ngang mag-disguise as a ghost baka kasi multuhin ako ng totoong multo dito sa school.”

“Tss... nakakabwisit! Hindi naman totoong may multo dito sa school eh kayo lang ang nag-iisip niyan!” Si Cody yun.

“Tsk! Nagsalita ang hinding takot sa multo.” Si Rui yun.

“Sinong t-takot ha?!” sigaw ni Cody sakanya.

“Ikaw.”

“Aish..”

-___- grabe talaga ang lalaking ito. Tahimik na nga tapos hindi pa takot sa multo ata. Is he for real?!

Binilang ko ang lahat na nandito. Isa, dalawa.... walo kaming lahat. Kasali na ako don ha.. Pero parang may kulang.

“Kayo lang ba lima ang nandito? Wala ng ibang kasabwat?”

“Oo.”

“Bakit mo naman naitanong?” – Andre.

Kung sila lang lahat eh sino... SINO YUNG BABAE SA MUSIC ROOM?!

“Kung kayo lang ang nandito eh sino yung... yung umiiyak sa music room?” tanong ni Cody.

Bigla kaming lahat naging tahimik.

...............

Coocckooo!

Cooccckooo!

Biglang tumili si Mhikaila. “Multo! Waa! Mumultuhin na ako! walanghiyang Clark at Andre dinamay ako! hayan na! I am sure na hindi ako papatulugin ngayon!!!” Hestirical ni Mhikaila.

“Pfft!” Pigil tawa si Clark na hinampas naman ni Mhikaila.

“KASALANAN NIYO ITO!”

Naalala ko na naman yung hitsura ng multo. Gya! TT___TT nabuksan na ba ang third eye ko kanina? Wala naman akong third eye di ba diba?!!??!

Ewan ko pero ngayon lang talaga ako nakaramdaman ng kilabot at takot sa multo thingy dahil sa ginawa nila at ang pinakalala ay nakakakita ako ng totoong multo! Shit uuwi na ako! ayoko ng manatili dito sa school!

“T#@^#$&$%&!!!!!!!!!! tahimik nga kayo! kasalanan ninyo ito!! $%@#%@#%” Pinaulanan ko talaga sila ng mura. Hindi niyo ako masisi dahil sa ginawa nila? Tsk! Sinong hindi magagalit?!

“Sus! Baka naman mga high school student lang yun at pinagtrip-an kayo hahahha!” tawa lang ng tawa si Andre kaya naman lumapit ako sakanya tapos ay inipit ang leeg niya ng mahigpit.

“Huwag kang tumatawa na parang wala lang dahil malaki ang kasalanan mo sa akin!!!”

“Aray! Aray! Bitiwan mo ako! aww! Come on! It’s just a frank! Malay ko ba na matatakot ka!”

Naramdaman ko na nag-iinit na yung magkabilang pisngi ko. Kaya naman mas lalo ko nahigpit na inipit ko yung leeg niya. Pero agad ko naman na binitiwan.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon