Secret 12: Field Trip

21K 307 7
                                    

DONE EDIT. (2/12/14)

Chapter 12

The Past

“Mamatay ka na sana! I hate you! parati mo na lang kinukuha ang gusto ko!”

“Nerd! Panget! Sipsip ka sa guro natin para lang makakuha ng mataas na grades!”

Why? Bakit parati na lang nila pinapalaba na siya ang masama? Wala naman siyang ginawa kundi maging mabait.

“Tingnan mo? Kahit anong bully natin sa kanya ay hindi talaga umiiyak! Masochist ata ito eh!” Bakit naman siya iiyak sa ganun bagay? Sanay na siya doon.

“Eh ito kaya?!”Biglang inihampas sa likod niya ang latigo at napaigik siya ng naramdaman niya ang hapdi ng kanyang likod. Ilang beses siya nilatigo, kagat ang mga labi upang pigilan ang sariling umiyak. Halos bumaon na ang ngipin niya sa kanyang labi.

“Stop!!!” Mahinang bigkas niya. Napatigil siya sa paglalakad sa pasilyo nang maalala niya ang pangyayaring iyon, noong first year high school siya. Bakit kailangan pa niyang maalala iyon? Yes. She was bullied when she was a sophomore in high school. Mahigpit ang pagkahawak niya sa tray niya. Bakit hindi ko iyon makalimutan? Ang masasakit na ala-alang iyon ay nag-iwan ng piklat sa likod niya. Isa na iyon sa dahilan kaya hindi siya nagsusuot siya ng mga plain shirt o inululugay niya ang kanyang mahabang buhok.

Umupo siya sa bakanteng mesa at uminom ng kunti sa orange juice na binili niya kanina. Ilang taon na ang nakalipas pero pilit parin siyang hinahabol ng madilim niyang nakaraan. Siguro, hindi siya lulubayan ng nakaraan niya hangga’t hindi siya makapaghigante sa mga taong umalipusta sa kanya.  

Tumigil siya sa pagngatngat ng straw ng mapansin niya ang schoolmate niya na sinulyapan siya. 

“Oh come on girls, don’t mind that freak over there."

Naiinis siya sa mga ganitong klaseng tao. Kaya nga maliit lang ang pasensiya niya sa mga ganitong tao eh porque nakasuot ng glass at mahilig sa pag-aral ay nerd na! okay fine. Kung tawagin siya ng nerd. Okay lang pero iyong bully-in siya indirect or not!

Tinapos niya ang pagkain tas umalis na at naglakad patungo sa locker niya. Habang naglalakad ay napansin niya ang bulletin board kaya tumigil siya sa harap niyon.

Agad na nakita niya ang poster, ayon sa nakalagay sa poster ay may malaking event na gaganapin ngayon month which was the Ms. And Mr. Crucifix University. Sarap punitin ng poster kung pwede lang lang sana pero hindi na lang niya ginawa ang balak niya. Malaking mysteryoso sa kanya kung sino ang nag-register sa kanya doon. Iisa lang naman ang naiisip niya kundi iyong Gangster-Wannabe lang at walang iba. She swear kapag nalaman niya na sila nga ang gumawa niyon ay ibibitin niya ang tatlong itlog na patiwarik!

 “Hoy Nerd!” Muntik na siyang matumba dahil sa malakas na pagtulak ni Lorie sa kanya. Bruha talaga! Sana tinuluyan na niya ito eh!   

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon