Secret 04: Lance's Point of View

25.9K 376 19
                                    

DONE EDIT. (2/8/14)

Chapter Four

Lance’s Point of View

“Ha! nakita niyo ba ang hitsura nung bagong studyanteng lalaki? Ang angas kung umasta pero wala naman binatbat!” Komento ni Lance sa mga kaibigan niya na si Crystobal at Archie, ito lang ang dalawang may interest na makipag-usap sa kanya. Kinatakutan silang lima dito sa school, and why not? His family own this school, at galing silang lahat sa mayayamang pamilya. Ang grupo nila ang mas nakakaangat ang kanilang estado kesa sa mga studyante dito. And take note, isa sa kaibigan niya ay anak ng isang yakuza. So back to Lance, iyon na nga, ang kanyang pamilya ang founder nito at madami pang business kaya lahat ng gusto niya ay nakukuha kahit na isang babae pa.

“Alangan naman, lima kaya tayo at siya isa lang.” Sabi ni Crystobal. “Hay, can we just drop off the subject? Boring naman eh. So anyway! Archie, anong nangyari sa babaeng nagpacute sa'yo kagabi? Mahusay ba?” Crystobal ask Archie while wagging his brow.

Kasalukuyan itong umiinom ng blueberry juice nang tinanong ito ni Crystobal, nag-thumbs up lang ito. Sa kanilang lahat ay ito ang pinakababaero sa lahat, parating active ang sex life.  “Magkikita pa nga kami ngayong gabi.”

Napailing na lang siya sa sinabi nito, wala kasi itong inatupag kundi babae. Tumayo na siya kinauupuan at naglakad palayo sa kanila.

 “Where are you going, Lance?”  Rozen asked. Bumaling sa kanya ang dalawa pa niyang kaibigan.

 Nababagot na tiningnan niya ito. “Sa swimming pool magpapalipas oras ako doon. Gusto ninyong sumama?” Tumayo na ang apat na lalaki tas sumunod sa kanya. May malaking swimming pool dito sa school, kung tutuusin ay mapapagkamalan na ang paaralan nila na isang resort kesa unibersidad. May maraming mga puno sa paligid at lahat ng kailangan mo dito ay meron.

“Waa ang cool talaga nila lalo na si Lance!”

“Ibibigay ko sa'yo ang lahat, Rozen!”

“Ang cute mo, Archie!”

Natawa pa siya nung umismid si Archie sa komento ng isang babae.

“Pakasalan mo ako, Crystobal!”

Naging blanko naman ang ekspresyon ni Crystobal nung narinig niya ang propose ng isang babae. Sa lahat ng ayaw nitong marinig ay ang ‘kasal’ dahil naalala nito ang first love nito.

“Rui! M—” Matalim na binigyan ni Rui nang tingin ang babae na parang sinasabi nito na don’t you ever think about say a nonsense.

Hay mga babae nga naman! Sorry na lang ang mga ito dahil stick to one lang siya. Pero sekreto lang iyon na may girlfriend na siya. Komplikado kasi. Hindi na lang niya pinansin ang babaeng nagtitilian. Binilisan niya ang paglalakad.

 “Wait, Lance-sama!” Panggagaya ni Archie sa boses ng mga babae, asar. Ewan ba niya kung bakit naging kaibigan niya ito eh. Sa kanilang apat ay ito ang pinakamalapit sa kanya—sabihin na natin na kaibigan na niya ito mula pa nung nasa tiyan pa sila ng kanilang ina. Ang iba kasi ay nung nasa elementary na niya nakilala at naging kaibigan. Siya ang tumatayong grupo, hindi dahil mahusay siya sa judo o sports kundi dahil siya lang naman ang nag-presenta. Wala naman silang paki kung sino ang maging leader eh.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon