Chapter Forty eight

4.7K 280 31
                                    

Tulalang naabutan ni Sophia si James ng makapasok sa hotel room nito. Nakaupo ito sa gilid ng kama kung saan nakahiga ang kaibigan niyang walang malay. Kumunot ang noo niya ng muling mapatingin sa lalaki.

"James, alam mo ba kung ano ang umiikot na balita ngyon sa buong—"

"Do you know she likes sneakers chocolates when she is stressed and having her period?"

Natigilan siya sa klase ng tanong nito.

"Talaga? Gusto ni Sora ng sneakers pag may period?"

Isang marahas na buntong hininga ang isinagot nito sa kanya. Inihilamos nito ang mga palad sa mukha.

"Why don't you know that?" Inis nitong sabi.

Tumaas ang isang kilay niya sa tono nito.

"Aba bakit ko naman aalamin kung ano ang gusto ng kaibigan ko kapag may regla—" Bigla siyang natigilan. Napangisi siya ng mapagtanto sa wakas kung bakit nagkakaganito ang lalaking ito. "Did you got that fact from Riley?"

Hindi ito sumagot. Imbes ay tinitigan lang siya nito ng masama. Mas lalo tuloy siyang napangisi. She crossed her arms over her chest.

"Those two have been together since high school. I told you, there is no one here who knows her better than Riley do."

"Tinatanong ko ba?" Irap nito.

"Just saying."

"Well then don't bother. " Nagumpisa itong maglakad ng paroo't parito. "Know everything? Ha! That was just a trivial thing so what's so good about that?" He scoffed.

"Na walang ibang nakakaalam kung hindi si Riley lang."

"Knowing petty things about a person doesn't make you the better. On the contrary, I call that being obessesive and stalkerish!"

"Galit na galit? Akala ko ba hindi ka threatened kay Riley? Kakasabi mo nga lang niyan noong isang araw, di ba?"

"I am not threatened with that bastard!" He said with so much indignation!

"Well you should be. Kasi kung tutuusin, pareho lang kayo ng sitwasyon. Pareho niyong mahal si Sora, pareho kayong nagloko, at pareho kayong naghahabol sa kanya ngayon. This have turned into a competition between you and him. At kung hindi mo gagalingan... well... sorry ka na lang."

"My heart never cheated on her. Besides, I'm not competing with anyone. That is beyond me."

Mas lalong lumuwag ang ngisi niya. "Ah... kaya pala pinangalandakan mo sa harap ni Riley at sa doktor na kasal kayo ni Sora at asawa mo siya..."

He stiffened. "How did you even know about that?"

"Paano ko at ng buong hotel staff nalaman ang sinabi mo sa clinic? Well sabihin na nating natural na chismosa lang talaga ang doktor na nakausap mo. Ngayon, ano na ang gagawin mo?"

"About what?"

"Anong gagawin mo kapag na-finalize na ang divorce papers niyo? Eh di malalaman ng buong madla na diborsyada ang kaibigan ko? Tingin mo ba hindi siya pagpyepyestahan ng buong madla kapag nangyari iyon? Kaya nga sinabi ko sa iyong huwag kang magpapadalos dalos, hindi ba?"

Natigilan ito. "I'll cross the bridge when I get there."

"Well then, let me remind you that you are nearing that bridge."

"Then I'll get her by then." Buong kumpyansang wika nito sa kanya.

Napailing siya. "Papaano mo gagawin iyon kung lagi kang nauunahan ng emosyon mo? Kagaya na lang kanina. Tingin mo hindi maiinis ang kaibigan ko pag nalaman niyang pinagtsitsismisan na pala siya ng lahat ng tao dito?"

Comrades in Action: Thomas James De Vere Book 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon