Chapter Fifty two

5K 322 71
                                    

I'm sorry to have kept you wait this long for an update, dear readers. I have undergone a surgery and it really took me time to recover. Almost two weeks na and fortunately I'm doing well naman. Salamat sa mga nakapaghintay. And please continue your support to me.

Love,

Creepychans

-----------------

Pagpasok ni Sora sa hospital room ni James ay nagulat siya ng wala ng tao roon. Tanging ang nurse na lang ang naabutan niya doon at nagpapalit ng higaan. Kumunot ang noo niya.

"Nurse?"

"Yes, maam?"

"Where's the patient here?"

"He was discharged this morning, maam." Sagot ng nurse ng makalapit sa kanya.

"Discharged..." Kunot noong ulit niya.

"Yes... Is there anything I can help you with, maam?"

"No... thank you."

Tumalikod siya at saka hinugot ang cellphone sa bag. Agad niyang tinawagan ang lolo ni James. Tatlong ring bago ito sumagot.

"Sora?"

"Good afternoon, your grace—"

"What did I tell you about using honorifics, Sora?" He said chuckling.

She smiled. "Grandfather..."

"Much better."

"Ahm... I'm here at the hospital and the nurse said James has been discharged? Are you perhaps with him grandfather?"

Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga nito. Tila ba may malalim itong iniisip. Mas lalo tuloy siyang nabahala.

"Is he fine?"

He sighed at her question.

"I do not think 'fine' is the best way to put it." He said.

"I don't understand..."

He clicked his tongue and then sighed. "I think it is better if the two of you have a talk."

Mas lalong kumunot ang kanyang noo. Talk about what? Naguguluhan man ay pumayag na lang siya.

"O-okay... Ahm, give me the address and I'll be there."

Ibinigay nito ang address sa kanya bago ibinaba ang tawag. Agad niyang nilapitan si Jin at saka ipinakita dito ang address.

"Ihatid mo ako sa address na ito." Utos niya dito.

"Understood, my lady."





They stopped in front of a huge gate. Di tulad ng Zhang courtyard na tradisyonal ang design, ang bahay na bumungad sa kanya ay mas modernong tignan. Sa harap ng bahay ay ang malawak na garden at sa gitna naman niyon ay isang round fountain na may kerubing estatwa sa gitna.

Bumukas ang pintuan sa tabi niya. Bumaba siya mula doon. Umakyat siya sa porch. Dalawang katok ang iginawad niya sa malaking pinto bago may nagbukas niyon.

"Greetings, lady Sora. Come in." Bati ng butler sa kanya na sinagot niya lang ng isang tango.

Iginaya siya ng butler sa loob ng mansyon. Iginala niya ang paningin sa paligid. The only contrast here are the ornaments. Despite the modern design of the house, the vases, the paintings and the furnitures are all antique.

"Sora?"

Nilingon niya ang lolo ni James. Nginitian niya ito bilang pagbati.

"You are dismissed." Ani ng duke sa butler bago bumaling sa kanya. "It's good to see you, m'dear." He said as he hugged her.

Comrades in Action: Thomas James De Vere Book 7Où les histoires vivent. Découvrez maintenant