Chapter 38

1.7K 65 7
                                    

It's our graduation day! Almost all of them are happy. I'm the only one who's not happy today. Because he is not here.

Sa pangalawang pagkakataon muli niya akong binigo. Sa pangalawang pagkakataon hindi na naman niya nasaksihan ang pagtatapos ko. Kung kailan ito na ang huling graduation ko tsaka pa siya nawala.

Nung una ay noong graduation ko noong Highschool at ngayong College ako.

Ano pang mahalagang okasyon siya mawawala? ano pa ang dapat niyang mamiss na event na pinaka isa sa mahalaga para sa akin.

Hinayaan ko na nga siyang huwag magpakita ng tatlong linggo sa akin. Ilang araw nalang at mag-iisang buwan ko na siyang hindi nakikita.

Hinayaan ko siyang makapag-isip dahil iyon ang kailangan niya. Alam kong marami siyang naging problema na hindi niya lang sinasabi sa akin. I let him to do what he wants.

Kahit pa hindi ako aware sa mga iyon. Pero itong pagliban niya sa mismong graduation ko ay hindi ko na maintindihan..

Bago palang magsimula ang ceremony ay panay na ang lingon ko. Gaya noong highschool ako ganito rin ang ginawa ko. Hindi ko nagawang makinig at makipalakpak dahil sa lungkot ng aking nararamdaman.

"Congratulation satin mga sis!" hiyaw ni Mara nang naka labas na kami ng Hall.

"This is it! Tapos na tayo mag-aral." Ani Hanna.

"Ngumiti ka naman Eury! Graduation day natin dapat masaya ka. Hayaan mo muna kalimutan ang mga isipin mo kahit ngayon lang." bulong ni Mara at iniabot niya kay Tita Meri ang Mama niya ang camera para picturan kami.

"Okay, 1..2..3 smilee."

Nakailang shot naman kami at pinilit na maging masaya sa araw na ito. Nilapitan namin lahat ng kaklase namin at nagpakuha ng litrato. Nasa malayo ang pamilya ko at hinihintay ako na lumapit sakanila.

"Hangad ko ang magandang kinabukasan para sainyong lahat." masayang sabi ng adviser namin.

"Thank you Ma'am. Maraming salamat po." sabi ng halos lahat sa amin. Nakita ko ang pagtanaw niya sa akin tsaka ngumiti ng matamis.

Sana all nakakangiti. Ako gusto ko ng maiyak pero bawal. Ayokong masira ang araw na ito.

"Ngayon ka lang malulungkot. Magiging masaya ka din." Mara said and she winked at me. Pinag taasan ko nalang siya ng kilay bago siya niyakap.

"Sana nga.. Congrats satin at mahal na mahal ko kayo ni Hanna." naluluha kong sabi.

"Magcelebrate tayo ah, after ng family natin. Mauna na kami, hinihintay kana nila Tita Marline oh." turo ni Hanna. Tumango ako sakanila at niyakap muli.

Tumalikod na ako para salubungin ang pamilya ko. Unang yumakap sa akin ay ang Kuya kong palaging nandyan simula palang hanggang sa huli ng aking pag-aaral.

"Congrats Eury. I love you." Ani kuya Cesar at hinalikan ako sa noo.

Binitawan niya agad ako at sila Mama at Papa naman ang yumakap sa akin. Narinig ko ang paghikbi ni Mama. Nakita ko rin ang pagtutubig ng mata ni Papa.

"I'm so proud of you anak, kung alam mo lang." Ani ni Papa. Mas lalo ko silang niyakap.

"Ma, bakit ganyan ka umiyak." pag iinarte ko.

Umiling lang siya at tila wala atang balak tumahan.

"I really love you hija. Proud na proud kami saiyo ng Papa at Kuya mo." aniya tsaka ako pinaghahalikan sa pisngi.

Sa pagkakataong ito ay napawi ang lahat ng balakid sa aking isip. Kahit ngayon lang ay isantabi ko ang tungkol sa amin ni Calix. Hayaan kong maging masaya kasama ang pamilya ko.

I love you Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now