Chapter 15

1.6K 85 8
                                    

"Sige na, mauna kana may pupuntahan lang ako saglit." Pagpilit ko kay Cesar.

"Samahan na nga kita." aniya.

Bumaba nako sa sasakyan niya. "Saglit lang 'to. Umuwi kana."

Naramdaman ko ulit ang pagbivrate ng phone ko. Ginapangan na ako ng sobrang kaba.

"Sige na please, pasok nako ah. Ingat ka." Sabi ko at nagtatakbo na papasok ng BSU

Kinuha ko yung phone ko at binasa ang text.

Unknown.

I'm still waiting.

Mas binilisan ko ang lakad ko papuntang Hereos Park. 5pm na ng hapon at kakaunti nalang ang mga estudyante. Dumaan ako sa Tunnel at paglabas nito ay ang Hereos Park na.

Habang papalapit sa sinabing lugar ay bigla naman nagbagal ang lakad ko. Kinakabahan ako, gustong gusto ko ito, pero hindi ko pa rin kaya na humaharap sakanya lalo kapag na sakin na ang atensyon niya.

Tanaw na tanaw ko ang kanyang sasakyan na kulay gray. At ang lalaking kinababaliwan ko na nakatayo sa mismong harap ng sasakyan niya. Hawak ang kanyang phone na maya't-maya niyang tinatanaw, hinihintay niya ba ako magreply? o may iba pa siyang hinihintay bukod sa text ko? Ma'am Angie? or Cathy?

Umiling-iling nalang ako, kahit ngayon lang ay kalimutan ko ang mga babaeng 'yon.

Hindi ko alam gagawin ko, tatalikod o mag-iiba ng daan. Nakita na niya ako. Tumayo siya ng maayos at dahan dahan na pumunta sa pinaka pintuan ng sasakyan.

"You're late." bulong niya dahilan para tumaas ang balahibo ko. Binuksan niya ang pintuan at sinenyas na pumasok nako. Hindi ako umimik at pumasok nalang.

Pinagmasdan ko ang buong kapaliguran, walang nakakita samin. Nakahinga ako ng maluwag.

Nang makapasok na siya ay hindi niya agad binuksan ang makina. Bagkus ay tumagilid siya ng upo at ngayon ay nakaharap na sakin. Ako naman itong tuod na nakatanaw sa bintana para lang hindi magtama ang mata namin.

"Tungkol sa nangyari kanina..." pasimula niya.

Mas pinanindigan ko ang hindi paglingon sakanya lalo pa at tungkol yata sa nangyari kanina sa Office ang tinutukoy niya. Well, kinakalimutan ko na ang scene na 'yon. Ayokong gawing big deal pa. Dahil wala naman akong mapapala. I mean, sino ba ako?

Narinig ko ang bumuntong hininga niya. Bago siya muli nagsalita. "Nagpunta ako don para kausapin ang Dean." aniya na hirap na hirap magsalita.

"Hindi naman doon ang Dean's Office Sir." malumanay pero sarcastic kong sabi. Sinandya ko 'yon. Wala nakong pakielam kung magalit siya sa pambabastos ko sakanya. Lalo pa at naiinis na naman ako. Bakit pa niya kailangan ungkatin yon.

"Damn it!" bulong niya. Palihim akong umirap.

"I know, tapos ko na kasi kausapin si Dean non, inutusan lang ako na tawagin si Ma'am Angie." pagka banggit palang ng pangalan ay tunog malandi na agghrr.

Pumasok tuloy sa isip ko kung paano ngumiti ang babaeng 'yon tila kinikilig at tuwang tuwa dahil tinutukso siya kay Sir Sarmiento.

"Hindi ko alam kung ano ang iniisip mo kanina..." Hindi na niya na ituloy ang sasabihin ng magsalita ako.

"Bakit mo 'to sinasabi Sir?" nakakunot noo kong tanong pero nag iwas ulit ako ng tingin. Halos manginig ang bibig ko sa kapangahasan na tanong.

Tsaka, hindi niya kailangan magpaliwanag sakin o mag aksaya ng laway para bilugin ako. Ano bang malay ko, bata ako at kahit kaylan pwedeng utuin at maniwala sa mga gawang kwento.

I love you Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now