Chapter 21

1.5K 61 7
                                    

Lumipas ang mga araw na sabik na makita siya. Yes, hindi ko alam kung paano ko kinaya ang isang linggo ng hindi ko nasilayan.

Kung paano at bakit nangyari 'yon ay dahil hindi ako pinayagan ni Papa na umalis manlang ng bahay. Kahit pa si Cesar ang nagyaya ay hindi ako pinayagan. Hindi ko alam ang problema ni Papa. Akala ko ay kapag lumipas ang gabi na iyon ay mawawala at nakakalimutan din niya kinabukasan.

Gustong gusto ako puntahan ng kaibigan kong si Cesar dahil may ibabalita siya sakin. Pero wala, hanggang ngayon ay nakakulong ako sa aking kwarto, lalabas lang kapag kakain at iinom. The rest sa kwarto lang talaga ako.

Hanggang telepono lang kami ngayon ni Sir Sarmiento. Ang sakit din na makita at maranasan ang bagay na ito. Madalas ay kapag tulog na sila Papa at Mama, dadaan dito si Sarmiento at itatapat niya ang sasakyan niya sa mismong bintana ng kwarto ko. Hanggang sulyap at tanawan lang ang nagawa namin.

Isang linggong gabi ako nagmumukmok at umiiyak. I missed him so much! Mga haplos at yakap na nagbibigay sakin ng lakas. Pero ngayon? Pakiramdam ko ay walang gana ang buhay ko.

I have everything, but I don't have perfect family. And now Calix came to my life, at doon ko narealize na siya ang swerte ko. Siya ang kailangan ko sa buhay.

Habang nagmumuni-muni ay nagring ang phone ko. Mabilis kong sinagot ang tawag niya.

Sa sobrang tuwa ko ay halos napalakas ang boses ko. "Hello babe!"

"Yes babe, how are you today?" malambing niyang tanong.

Umayos ako ng pagkakaupo sa aking kama at hinayaang malaglag ang mga hibla ng buhok ko sa sobrang gulo nito.

"Ayos naman, I'm kinda bored. I want to see you, but.." napahinto ako at napahawak sa sintido.

"Hm. I want to see you, too." sagot niya.

"But.. how can I see you? how c-can I hug y-you?" biglang napiyok ang boses ko. Ugh ito na nga ba sinasabi ko. Naiiyak na naman ako.

Narinig ko ang malalim niyang hininga sa kabilang linya at tsaka nagsalita.

"Come here, I'll give you hug." malumanay at garalgal ang boses.

"I hate you! mas lalo lang kita namimiss." iyak ko.

"Shh, hush babe. Nandito ako sa labas ng bahay ninyo." halakhak niya. At kahit hindi ko alam kung totoo ba ay kumaripas agad ako ng takbo at hindi na nag ayos. Suot ko ang kagabi ko pang suot na short at sando na kulay white. Gulo gulo pa ang buhok ko. Pero hindi ko na inalintana iyon at gusto ko nalang na makita siya.

Mabuti at walang tao sa bahay kundi ako lang, mabilis kong tinakbo ang pagitan namin. Nakatayo siya sa harap ng gate at nakangiting nakatanaw na sakin.

Bumuhos ang luha sa mata ko habang papalapit sakanya. Nanlabo na ang mata ko dahil sa mga luhang lumalabas sa mata ko. Isang kalabit ko lang ay mabilis na bumukas ang gate at agad ko siyang sinunggaban ng yakap at isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya.

Iyak ako ng iyak at hindi niya ako kayang patahanin. Sobrang namiss ko siya, ang amoy at bawat haplos niya sa balat ko.

Hindi ko kakayanin na hindi pa siya makita araw-araw. Hindi na ulit.

"Stop crying my little girl, nandito na ako." mahina at malambing niyang sabi. Tumango lang ako at hindi pa rin bumibitaw sa yakap.

"Buti pumunta ka." sabi ko ng nahimasmasan na. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan iyon bago sumagot sakin.

I love you Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now