Chapter 22

1.5K 69 6
                                    

I just kept running until I felt tired. My knees almost trembled with exhaustion and the pain and soreness in my eyes.

I stopped first and looked at the passing jeeps, I do not know if I will ride there because I was soaking wet and I can almost see my bra too, and just covered my arms to hide. It also gets cold and looks like I will get sick when I don't get home.

Basa na rin ang bag ko. Naghanap ako ng masisilungan at tsaka kinuha ang phone ko. Buti nalang at okay pa. Hindi gaanong nabasa dahil makapal ang tela ng bag nadala ko.

I texted Cesar. Sana ay mabasa niya agad. Sinabi ko sakanya kung nasaan ako ngayon. Nag abang pa akong ng reply at halos kalahating oras na din akong naghihintay, lamig na lamig nako.

Kasabay pa nito ang mga luhang Hindi ko magawang pigilan. Siguro nga ay naakit siya kay Angie, at hindi niya napigilan na hindi 'yon paunlakan. Pero alam niyang pupunta ako. Sana naman binigyan niya ako ng konsiderasyon na kahit ngayon araw lang.

Sana after ng araw na 'to tsaka siya magloko. Alam niyang ilang araw kaming hindi nagkita, at sabik na sabik ako sakanya. Pero langya, ako lang pala ang sabik kasi siya sa iba siya nasasabik.

Hindi ko naman siya masisisi kung ang piliin niya ang mga tipo ni Angie o ni Cathy piliin ang kaedad niya at mga sexy na may ipagmamalaki. Samantalang ako ay isang paslit lang na nainlove sakanya.

Sino nga ba naman ako para piliin over them, my Dad doesn't like Sarmiento for me. At siguro ay isa na 'yon sa magiging dahilan ko para tuluyang ilayo ang sarili sakanya.

Pinunasan ko ang mga luhang walang humpay sa pag agos. At doon lang din ako nagising sa katotohanan ng bumusina ang sasakyan ni Cesar sa harap ko.

Nakita ko siyang tumakbo papalapit at isinuot agad niya sa akin ang kanyang jacket na dala bago niya ako hinarap ng maayos sakanya.

Nakita ko ang gulat at pagtataka sakanyang mata. Tumawa ako kahit ang sakit sakit ng nararamdaman ko.

"Don't try to laugh if that's not how you really feel." aniya. Yumuko ako at nagpatianod na sakanya.

Hindi siya kumibo sa buong byahe. Nakarating kami sa bahay ng hindi manlang ako tinitingnan. Buong byahe din akong umiyak at hindi niya ako pinakielaman.

"What is the reason?" malumanay niyang tanong sakin.

Namuo na naman ang luha sa mata ko. Bakit ba ayaw manlang maubos ng mga iyak ko.

"Tell me Eury, Did he hit you?" tumaas ang boses niya. Mabilis akong umiling.

"Then why are you crying?" inis niyang tanong.

"It really hurts when you fall in love. I thought because I was young I would not be hurt so much. Because I am just new to the world of love." huminto ako at pinilit na kinalma ang sarili.

Kitang kita ko ang sakit sa mata ni Cesar. Alam kong sinabihan na niya ako noon pa. Hindi ako nakinig.

"But I was wrong, everything was wrong. I drowned myself too much with him which I thought was okay." I sighed.

"I already told you.."

"Yes alam ko. At ito ang parusa ko sa hindi pagsunod sa payo mo." I sniffed.

Lumapit siya sakin para yakapin ako.

"I found them kissing in the bedroom, and just seeing them in that position..." Hindi ko maituloy ang sasabihin. Dahil napahikbi na ako.

Naramdaman ko ang gaan ng kamay ni Cesar na humahaplos sa likod ko. Sa mga nangyari, nandyan pa rin siya para damayan ako kahit pa naging pasaway ako.

I love you Professor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon