Chapter 32

1.7K 61 16
                                    

Hinayaan ko siyang lumapit sa akin, pinagmasdan ko siya habang ginagawa 'yon. Mistisa, singkit, makipot na labi at mahabang buhok. Sexy na halos isinisigaw nito na walang panama ang iba sa hubog ng kanyang katawan.


"Hindi na ako magpapaligoy pa." aniya. Timindig ako ng tayo at pinilit na labanan ang kanyang mariin na titig.

"Tigilan mo na ang pang-aakit sa boyfriend ko, pinipilit naming maging maayos ang takbo ng relasyon namin. Ayokong masira iyon ng dahil lang sa batang katulad mo." mataray niyang sabi. Tumaas ang kanyang isang kilay at inayos ang buhok.

"Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay panay pa rin ang papansin mo kay Calix. You know what? you look so desperate." irap niya. Napaawang ang labi ko sa hindi inaasahang ugali na mayron siya.

"Akala ko noon ay titigilan mo siya kapag nagka-isip kana. But look at you now, pinipilit mo pa ring kunin ang atensyon niya na sa akin na nakatuon. Sa daming babae na naghahabol sakanya, sa'yo lang ako namroblema ng ganito." Lumapit pa siya ng husto sa akin. Tsaka hinawakan ang balikat.


"Stop pestering my boyfriend or else.."  huminto siya at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Nakaramdam agad ako nang pagkailang at hiya sa paraan ng kanyang pagtingin. Minamaliit niya ako.. iyon ang nababasa ko sa mga mata niya.

"Or else what?" kahit nanginginig ang tuhod ko ay nagawa kong sumabat sakanya.

Inalis ko ang kamay niyang nakalagay sa aking balikat. Pinilit kong ipakita na wala siyang karapatan na sabihin sakin 'yon dahil unang una mali ang pinaparatang niya.

"Bago mo ako sugurin dito, paki sabi sa boyfriend mo na tigilan niya din ang kakasunod sa akin. Nagmumukha siyang stalker ko." irap ko at akmang lalagpasan na siya ng hablutin niya ang braso ko. Halos mapapikit ako sa sakit, nakita ko pa ang kaunting dugo doon at nagmarka ang kuko nito.

I glared at her. Kahit pa nang-gilid na ang luha sa mata ko.


"Malandi ka!" napalakas ang boses niya at mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin.

Sa inis ko ay pinilit kong makawala sakanya at ginantihan ang kanyang ginawa. I pushed her, hanggang sa napalakas ito at napaupo nalang siya sa lupa at kita ko ang dumi sa kanyang suot. Sinamaan niya ako ng tingin at dinuro.


"Bata ka, hindi ka bagay kay Calix. Walang pwedeng maging sakanya, kundi ako lang." aniya at akmang tatayo na siya para sugurin akong muli ng bigla itong umupo at parang may masakit sakanya. Umirap ako sa kaartehan ng babaeng ito..

Kanina lang ay patayo na siya at mukha namang walang masakit, tapos biglang aarte na may nararamdaman. Eh mas napuruhan nga ako eh, pinagmasdan ko ang braso kong puro kalmot.

"It's hurt." dinig kong sabi ni Cathy. Binalingan ko siya at nakitang umiiyak na siya. Halos manlaki ang mata ko. Anong klaseng babae ito, pero bago pa ako makapag salita ay may isang malaking katawan at matangkad ang lumapit sakanya. Mabilis niya itong hinawakan sa mukha at tiningnan ang buong katawan.

Napa awang ang bibig ko at hindi alam ang gagawin. Kumirot ng husto ang dibdib ko. Bago ito bumaling sa akin na may malamig na titig.


"Anong ginawa mo?" mabigat na hininga ang kanyang pinakawalan.


"It's okay, let her go." mas lalong nanlaki ang mata ko ng naging mabait siya. Samantalang kanina ay halos hindi ko makilala ang boses niya sa galit.



"No. Humingi ka ng sorry kay ma'am Cathy." mariin niyang sabi sakin.


"What? talagang ako pa ang magsosorry sakanya? Sir??" diin kong sabi.


I love you Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now