Chapter 12

1.5K 55 7
                                    

Hindi ako makatingin sakanya, sa oras na ibaling ko ang mata ko ay parang sinabi ko na mahina ako at madali lang para sakanya na palambutin ako kahit yon naman ang totoo.

Naisip ko din na sa dinamiraming lalaki dito sa BSU ay bakit sa isang Professor pa ako nag kagusto, bakit hindi nalang si Cesar? bakit hindi si Karl? why him. Bakit ito ang ibinigay ng tandhana sa akin.

Bakit ganito ako kadesperada para lang makuha ang atensyon niya, para lang makita niya na pwede rin ako sakanya.

"I..I'm sorry sir, Mauna na po ako." nanginginig kong sabi. Ngunit hindi niya talaga ako pinakawalan bagkus ay hinawakan niya ng mabuti ang pulupulsuan ko at hinila papalayo doon at nakarating kami sa harap ng kanyang sasakyan. Mabilis ang pangyayari dahil tulala ako at hindi alam ang gagawin o sasabihin.

Nakaupo kami parehas ngayon sa loob ng kanyang sasakyan. Walang balak paandarin? Nakatanga ako dito at palihim na kinakabahan dahil hindi ko alam ang nasa isip niya, kung bakit niya ako pinasok sa sasakyan niya?

Sa tingin ko ay kokonprontahin niya ako sa pagiging halata ko, sa pagbubulgar ko ng nararamdaman sakanya? tsaka, hindi nga bulgar eh. Lihim pa nga 'yan. Nalaman lang niya dahil palagi akong tinutukso kapag nandyan siya. Pero hindi niya pa nacoconfirm sakin 'yon kahit obvious naman.

Hindi ko naisip na maaaring itanong niya sa akin 'yon anytime anywhere. Kahit ngayon mismo. Hindi ako ready sa bagay na 'yon lalo pa at plano ko lang ay ang magpapansin sakanya. Pero ang umamin, ay hindi pa. Hindi ko kakayanin ang magiging sagot niya kung sakali.

Akala ko ay tatahimik lang siya o kami dito pero mas kinabahan ako.

"Bakit laging kang nandon?" seryoso niyang tanong.

Teka, eto na nga ba sinasabi ko, nag iimbestiga na siya, gosh anong sasabihin ko. Uhm sabihin ko nalang ang totoo? you think this is the right time to tell him that I'm inlove with him? No no no.

"uh..uhm..tumatambay?" damn! anong klaseng sagot yan Euricka? mahahalata ka lalo niyan eh.

"Hindi ka sigurado?" this time naka tingin na siya sakin pero walang expression ang mukha niya. Nakakakaba naman lalo.

"Sigurado..po." mabilis kong sagot para talagang totoo. Fuck it.

"Liar! nandon ka para ipakita sakanila yang binti mo." mahinahon pero mariin na sabi niya. Napatingin naman ako sa binti ko. Anong mayron sa maputi kong binti? mygosh, nag iinit ang mukha ko.

Hindi ko alam ang isasagot ko, bakit ganyan siya??

"Then, look at you now. Nagpapaimpress kaba sa mga lalaki don!?" napa-angat muli ako ng tingin at nakita ko ang iritasyon sa mata niya ng sipatin niya ang binti ko.

Napakunot noo nalang ako kahit pa kinakabahan. Anong problema mo Sir Larmer Calixto Sarmiento? are you mad? Sana nga lang char.

"Pasensya na Sir, wala po sa isip ko ang bagay na 'yan. Hindi ko kailangan magpaimpress sakanila." mataray ngunit mahinahon na sabi ko.

"Kasi naimpress na sila, kaya hindi mo na kailangan?" he asked. Napatitig ako sakanya, wait. Bakit parang ayaw niya na nakikitang pinagtitinginan ako ng mga lalaki?

Possible kaya? hm. Malabo, umiling nalang ako.

"Hindi ko po kailangan mag explain tungkol dyan, kasi nagsasabi ako ng totoo, wala akong pakielam sakanila. Maimpress man sila o hindi, hindi po iyon ang mahalaga.." ang mahalaga sakin ay yung mapansin niyo ako. Mapansin niyo na kung gaano ko kayo kagusto. Pero mahina ako pag dating sa'yo.

I love you Professor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon