Chapter 14

1.5K 64 5
                                    


Nakauwi ako na halos hindi makausap. Nadatnan ko si Papa na nakatutok sa kanyang Laptop. Binati ko lang ito at hinalikan.

"Bakit ngayon ka lang." tanong nito ng tatalikod nako.

"Gumawa po kasi kami ng kaklase ko ng paper works at tinapos na po namin lahat dahil bukas din ipapasa." Paliwanag ko. Tumango lang ito bigla pag sang ayon. Itatanong ko sana si Mama kaso huwag nalang. Sa boses palang din ni Papa ay bad mood na ito.

Nasa kwarto nako ng maalala ko ang nangyari kanina sa sasakyan ni Sir Sarmiento. Hindi ko pa rin lubos na maisip ang bagay na 'yon. At nagsisimula na niyang guluhin ang utak at puso ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" gulat ako sa tanong niya. Obvious ba? ano akala niya maliit na bagay lang ang pagtawag niya sakin ng Kid at Child? lalo pa at gusto ko siya.

Gusto ko lang naman malaman kung balewalain ko ba siya o wag pansinin ay hahanapin niya ako, like wth Eury, sa ganong iglap naghahangad ka na hanapin ka ng isang Calixto Larmer Sarmiento, eh siya nga itong hinahanap hanap ng mga babae. As if naman na hanapin niya ang batang katulad ko? hindi ba pwedeng mag-assume kahit minsan.

"Answer me." malamig niyang sabi. Hindi ko siya makuhang tingnan, lalo pa nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pabalik-balik niya ng tingin sa akin.

Sagot Eury, tinatanong ka ng mahal mo. Huminga ako ng malalim. "Hi.hindi po Sir." Kung Oo, ano naman sayo?

Halos ilang minuto ang lumipas bago siya ulit magsalita. Akala ko nga ay sapat na sagot ko na ang pag tanggi na hindi ko siya iniiwasan pero nagkamali ako.

"May problema kaba? sakin?" mabilis ang pag tanong nito kaya hindi ko na naman masagot. Napaghahalataan nako nito.

Ask your self Sarmiento, hindi mo naba matandaan kung paano mo pinaramdam sakin kung gaano kalaki ang agwat natin, at kung paano ako manliit sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ko naramdaman, ngayon lang. Simula ng nag kagusto ako sa'yo Sir.

Gusto ko ito isaboses, pero paano? paano kung isa na naman ito pasakit sa dibdib ko, kakayanin ko ba ang magiging sagot niya?

"Nothing Sir, uhm wala lang po siguro ako sa mood." aniko, at nagkibit balikat pero wala pang ilang segundo ay nagulat ako ng ihinto niya ang sasakyan sa tapat mismo ng bahay namin.

Laking gulat ko, dahil hindi naman niya ako tinanong kung saan ako nakatira, hindi ko naituro sakanya ang daan. How did he know? dahan dahan ko siyang binalingan ng tingin. At nang magtama ang mata namin ay kumalabog ng husto ang puso ko.

Seryoso ang kanyang mata na nakatitig sakin, nakasandal ang kanyang ulo habang nakatagilid ito sakin.

Sinubukan ko umiwas pero parang nilalamon ng kanyang tingin ang buong sistema ko. Nakailang lunok na din ako pero patuloy ang pagbara ng lalamunan ko.

"Panalo kana, at wag na wag mo ng gagawin ang pag iwas sakin. Hindi mo magugustuhan ang igaganti ko sa'yo." aniya na seryoso at tila walang makakapigil sa iritasyon na kanina ko pa nakikita sakanya.

Mabilis agad ang pag iwas ko at natamaan sa sinabi niya. Pano naman niya nalaman na iniiwasan ko siya. Wala nanan akong pinagsabihan non, ako lang. Sa sobrang kahihiyan at tuwa at the same time sinubukan kong buksan ang pintuan ng sasakyan niya pero nakalock pala, hindi ko na siya binalingan pa.

"Bababa na po ako, salamat sa paghatid Sir." mahina kong sabi kahit pa hindi ko siya magawang tingnan.

Nasan na Eury ang tapang mo. Bakit ngayon ay tameme kana naman. I hate it! But I won, nanalo ako at kahit hindi niya aminin ay naapektuhan siya sa hindi ko pagpansin at dedma ko sakanya.

I love you Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now