Chapter 36

1.8K 90 6
                                    


"Saan mo ba nilagay yung mga ibibigay ko kay Mara at Hanna?" Tanong ni kuya Cesar. Gezz hindi ako sanay na kuya. Pwede bang Cesar nalang?

"Dyan ko lang nilagay 'yon. Tingnan mo sa ilalim ng kama ko." Sagot ko. Busy ako sa pag-aayos ng mga dadalhin namin sa rest house nila Mara. Doon lang iyon sa may Bayan Malolos. Hindi niya alam na nakauwi na si Cesar at hindi ko pa rin sinasabi na siya ang kapatid ko. Wala pa ako ni isang kinukwento about doon. Di alam kung ano ang magiging reaction nila para don.

Dahil nga Sunday naman ay pumayag siyang sakanila kami tumambay. Inaya ko din si Bella na noong may gusto kay Cesar, este kuya.

Tumunog ang phone ko at mabilis na sinagot iyon.

"Hoy Eury, anong oras ba kayo pupunta sa amin?" Walang pakundangang sigaw ni Mara sa akin. Halos mailayo ko na ang cellphone ko sa aking tainga.

"Nag-aayos lang kam..ako." shit.

"Anong kami? baka isama mo pa si Sir ha." si Mara na natatawa.

"Wala akong sinabing kami. Ako kako! maglinis ka nga ng tainga mo. Mukhang ilang buwan na hindi nalilinis at ngayon nabibingi kana." biro ko. Bakit napaka talak ng pandinig ng babaeng 'to.

"Nako, kabisado na kita. Pagbaunin mo ng condom si Sir, hahaha maglalasingan tayo at teka, ireready ko yung guest room namin." sabi niya habang tumatawa ng nakakaloka.

"Ang bastos ng bibig mo Mara." nahihiya kong sabi. Biglang nagplay sa utak ko ang nangyari sa amin ni Sir. Mygosh! Nagawa na namin 'yon ng walang condom so I don't need your advise Mara my friend.

"Sa bibig lang bastos, sa gawa hindi." sabat niya.

"Oo na, sige na papunta na ako." muntikan ko na naman masabi ang kami. Baka masira pa ang planing surprise.

"Tapos naba lahat? Pati pagkain nasa sasakyan na?" Kuya Cesar asked me.

Habang ako ay dala na ang isang malaking bag na naglalaman ng regalo nilang tatlo nila Bella. Speaking of Bella, nagtext siya sa akin na papunta na.

Inilagay ko ang dala kong bag sa likod ng sasakyan bago bumaling sa kapatid kong sinisipat ang isang malaking boquet. Tatlo iyon at isa lang doon ang maganda at bongga.

Ngumisi ako tsaka nagsalita. "Is that for Bella?" mahina kong tanong at pinanliitan siya ng tingin.

"No." tipid niyang sagot. Siniko ko siya at tinawanan. Namula kasi ang pisngi niya.

"You are blushing.." komento konat tinuro ang mukha niyang namumula. Umiwas siya ng tingin at inilagay na ang bulaklak sa likod.

"Stop asking questions, when you already know the answer. I'm nervous." aniya at humalakhak. I get it. He likes Bella, huh. I chuckled.

Sumakay na ako sa sasakyan niya at nang masigurong wala kaming naiwan ay pinaandar na niya ito.

"I missed this." bulong niya.

"We missed you, kuya." baling ko sakanya. Ginulo na naman niya ang ulo ko at muling binalik sa manubela.

"Have you texted Sarmiento?" mabilis akong napatingin sa tanong niya.

Nakatingin lang siya sa daan at parang normal sakanya ang tanong. Naramdaman niya siguro ang paninitig ko sakanya kaya siya napabaling sa akin.

"What?" aniya at muling binalik sa daan ang tingin.

"You told him last night where I was. Am I right?!" Pagtataray ko. Nakita ko ang pagsilay ng kanyang ngisi. Mas lalo akong naasar.

"I know you were angry last night. I can't leave you there. I just didn't approach you because you might hit me." at tuluyan ng humalakhak. "So I texted Sarmiento." dagdag niya.

I love you Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now