Chapter 10

1.7K 54 3
                                    

Nandito kami ngayon sa veranda malapit sakanyang paradahan ng sasakyan. Hindi na rin kami gaano nagtagal sa loob dahil mabilis lang naman siya nagpalit ng damit.

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi pag-initan ng mukha sa ginawa niya kanina habang pinagmamasdan ko ang kanyang kasuotan, mapa bahay o mapa professional ang kanyang suot ay bumabalandra lagi ang kanyang kakisigan at kagwapuhan.

"Uulitin natin lahat ng ginawa mo." aniya na ngayon ay nakaharap na sakanyang laptop.

"Uhm.." hindi ko alam ang isasagot ko. unang una hindi ko alam kung bakit niya naisipan na dalhin niya ako sa private zone niya. Bakit sakalagitnaan ng pagbabasa ko ay dumating siya at biglaan na lang niya akong yayain at tulungan para gawin ang paper works ko. Hindi niya ako gaano kilala. Hindi rin kami close, at mas lalong wala kaming ugnayan sa kahit anong bagay.

Kaya laking pagtataka ko bakit biglaan? Pero naisip ko din. Dahil sa alam niyang gusto ko siya ay madali nalang para sakanya na ayain ako, kasi hindi ako makakatanggi?

"Ang dami po niyan, imposible pong matapos ko yan ngayon." nilakasan ko nalang ang loob ko. Baka kasi gabihin na rin ako. Pero bukas na kasi ang pasahan.

"Natatakot kabang hindi matapos 'to at hindi ka makapagpasa?" Baling niya sakin na may seryosong titig.

Nakita ko ang paniningkit ng kanyang mata, Teka parang minasama niya ang pag sabi ko ng hindi ko katatapos iyon ngayon. Like wth, aabutin ako ng umaga dito.

"ah..eh hindi naman sa ganon..sir kaso po baka abutin ng gabi." sagot ko na nag aalinlangan pa sa sagot.

Alangan naman na dito ako matulog diba? Kung hahayaan niya? What Eury?

"Ako ang tatapos kung pinoproblema mo 'yan. Sinama kita dito para matulungan hita, ngunit alam ko rin na ako ang gagawa nito." aniya na seryosong nagtitipa sa laptop.

Hindi ko napigilan na hindi sumabat.

"Ano sir? Ikaw ang gagawa? Ayos Lang sainyo? Estudyante ako at isang guro at nararapat na gawin ng isang estudyante ang pinagagawa ng kanyang guro. Pero kayo sir--" hindi ko na nadugtungan ang sasabihin ko na agad niya iyon pinutol.

"Bakit biglang nawala yung 'po'?" baling niyang muli sakin at doon ko napagtanto na kinausap ko siya bilang kaedaran ko lang.

"I'm sorry po sir." halos mautal ako kahit ganoong salita lang. Hindi na din ako makapag angat ng tingin sakanya dahil ramdam ko ang kanyang paninitig.

"Pwede kana magsearch ulit ng konektado sa papers na yan. Kukuha lang ako ng maiinom." aniya at hindi nakaligtas sakin ang kanyang braso na saktuhan lang ang laki pero nakaka inlove.

Iniharap ko nalang ang sarili ko sa laptop niya at nag search na, kahit pa hindi ko gaano maintindihan sa kadahilanang naka focus ang utak ko kah Sir.

Ilang minuto din siya nawala bago siya dumating na may dala ng juice at pancake. Mabilis kong tinype ang huling sentence na pang huli. Naramdaman ko ang kanyang balikat sa aking gilid at mabilis na dumaloy sa aking ulo ang init at kakaibang pakiramdam.

"Ako na magtuloy nyan, para mabilis matapos." Tumayo naman ako agad at bumalik sa kaninang pwesto.

Ilang oras ang lumipas at pasado alasais na ng Gabi. Hindi ko nga namalayan ang oras sa sobrang busy ko sa pagtitig sakanya. Nahihiya rin ako dahil isang beses niya lang ako pinahawak sa laptop niya at hindi na niya 'yon binitawan pa. Hindi ko lubos maisip na bakit niya ginawa ang bagay na iyon sa katulad kong bata.

Kung sabagay, naawa siguro siya sakin dahil nakita niya kung gaano ako hirap na hirap intindihin ang mga bagay tungkol sa pagkabisado at pag saliksik ng Tama o mali.

I love you Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now