MNM 19

20.5K 431 2
                                    


Chapter 19

"What?" Halos ay sabay na sabi nina Lira at Anthony matapos marinig ang kwento ni Angela tungkol sa mga de baril ba lalaking sumugod sa kumbento.

"Bakit nagulat kayo? Kilala niyo ba si---"

"Damn! Nandito lang pala ang gagong iyon!" Napapukpok na lang sa lamesa si Anthony pagkuway tumayo at kumuha ng alak.
Nasundan na lang ng tingin ni Angela ang binata.

"A-ano ba ang nangyayari sa Kuya mo?" Tanong niya kay Lira.

"Si Hernan. Siya kasi yung kumidnap kay Daddy noon para makakuha ng ransom sa'min."

"Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ni Angela.

"Yeah. And he is the reason kaya hanggang ngayon ay sinisisi ni Anthony ang sarili kung bakit nangyari iyon kay Daddy."

"Bakit naman?" Interesado niyang tanong.

Lumapit naman sa kanya si Lira at pabulong na sinabi sa kanya ang dahilan.

"You know, Anthony is a hard headed before. Suwail siya at palaging kinukontra ang mga bilin at utos nina Mommy at Daddy. Lalo na kay Daddy, hindi niya talaga ito sinusunod. Then dahil doon, nag-away sila. Lumayas si Anthony sa bahay. Syempre, hindi naman nakatiis si Daddy, sinundan niya si Anthony. Hinanap niya ito hanggang sa... ayon, he loss without clue. Then nalaman namin na kinidnap pala siya. And the kidnapper want a half of a billion! My God! Pero hindi namin binigay, I mean binigay namin but the money was fake. Naniwala naman yung mga kidnappers na totoo yung pera but sadly, binalik nila si Daddy na..." nakagat na lang ni Lira ang labi para pigilan ang umiyak.

"Huwag mo ng ituloy."

"Ayos lang. Sobrang depressed ni Anthony noon. Hindi na kasi makalakad si Daddy noon dahil sa pangto-torture na inabot niya. And the rest was history. Naka-recover na si Daddy pero sakitin na ito. Anyway, naging biktima ka rin pala niya."

"Oo. Pero nakatakas lang kami sa kanya noon ang kaso ngayon ay nandito na naman siya."

"Hmp! That asshole. Ang kapal naman ng mukha niya to be your husband. Eww! Yuck! He's so old na kaya. Ang pangit pa niya!"

Hindi na kumibo si Angela. Ayaw na niyang pag-usapan ang matandang iyon. Naaalala lang niya kasi ang kanyang kapatid na hanggang ngayon ay nawawala pa rin.

Sandaling katahimikan ang namayani sa kanila. Maya-maya ay biglang binasag ng isang ring ng telepono ang sandali nila. Lumapit agad si Anthony roon at sinagot ang tawag.

"Really? Oh God!" Bigla ay umaliwalas ang mukha nito saka bumaling kay Angela. "Yeah. Yeah. We'll be there. Thank you." Pagkababa ng telepono ay agad siyang lumapit kay Angela.

"Ano daw 'yun?"

"Nahanap na ang kapatid mo."

"T-talaga? Nasaan daw siya? Ayos lang ba siya?" Sunod-sunod na tanong niya.

"He's in the hospital. May mga gunshot daw siya pero ok na raw siya. May nagdala raw sa kapatid mo roon. Ligtas na siya kaya makakatulog ka na ng maayos sa gabi."

"Gusto ko siyang makita."

"I guess hindi pa puwede." Sabi ng isang lalaki na kakapasok lang sa pintuan.

"Kuya Leandro. Anong ginagawa mo rito." Si Lira ay napalapit naman sa kapatid at humalik sa pisngi nito.

"Nakakuha kasi kami ng report na nandito daw si Hernan." Sabi ni Leandro.

"Actually, I was about to inform you that." Sabi ni Anthony saka naupo sa kaharap na upuan nito. "Kaya pala nandito ang hayop na iyon ay dahil kay Angela. Gusto kunin ng gagong iyon ang fiancee ko. Tsk! Over my dead body."

My Night MistressWhere stories live. Discover now