MNM 1

34K 815 9
                                    

Chapter 1

Five years had past pero baon pa rin ni Anthony sa kanyang isip ang babaeng magnanakaw na nagpanggap bilang pick-up girl.

Minsan hindi niya naiwasang isipin ito lalo na ang mga sandaling halik na pinagsaluhan nila. At iyon mismo ang dahilan kung bakit hindi niya ini-report ang nangyari noon.

Sandali siyang napapikit at kinuha ang note na ginawa ni Angela. Pinakatitigan niya iyon na para bang nandoon ang babae sa kanyang harapan.

Angela... Is this really your true name? Well, maybe that was a ficticious name but there's no doubt about it, your face was so angelic. Kailan kaya kita ulit makikita? O, magkikita pa kaya tayo?"

Actually, matagal na niyang hinahanap si Angela. Lahat na yata ng mga mahuhusay na detective agency ay hiningiaan na niya ng tulong para lang mahanap ito pero wala talaga. Hinahanap niya ito hindi dahil sa perang ninakaw nito kundi sa puso niyang kinuha nito. Gusto niyang maibalik iyon.

"Well, hanggang ngayon nasa iyo pa rin iyan? Its been five years since it happened. You have to move on, baka malungkot ang mga beautiful women dyan." Biro ng kanyang nakakatandang kapatid na si Leandro.

"Sira! Twenty-eight pa lang ako, nasa kasagsagan pa ng pagiging binata." Natatawang sagot ng binata. "Hayaan mo lang ang mga babae dyan. I can have them anytime I want. Kahit kailan hindi pa nasi-zero ang sex life ko."

Nagkatawanan na lang ang magkapatid. "Anyway, bakit ba hanggang ngayon ay nasa iyo pa rin iyan." Tukoy ni Leandro sa concise letter ni Angela.

"This? Well, I can't forget Angela. Everytime I think her I always remember the kiss we shared. Damn! I can't explain, palaging bumibilis ang tibok ng ouso ko kapag naaalala ko 'yong halik na iyon."

Napatawa nang malakas si Leandro sa nakitang anyo ng kapatid.

"Ibang klase ka, bro! Kaya pala hindi ka pa nag-aasawa. So, nahanap mo na ba ang Angela mo?"

"No. Mahirap siyang hanapin pero pasasaan ba at magkikita rin kami and if that's happen, itutuloy ko ang nasimulan namin."

"Sounds bad..." nakangiting komento ni Leandro.

"Yeah right."

"By the way, kailan ka uuwi ng San Lorenzo? Nagtatampo na sa iyo si Mama, bakit daw hindi ka sumama nang umuwi ako."

"Ganoon ba? Sige, next week magfa-file ako ng vacation leave. Anyway, don't tell her, I want to surprise Mama."

"Ok. Bahala ka."
_____

"Sister Angela, hinahanap ka ni Sister Marie." Tawag sa kanya ng kasamahang madre.

"Ha? Bakit daw, ho?"

"Ewan ko, baka magpapasama sa iyo sa bahay ni Mrs. Recafuerte."

"Ganoon po ba?"

"Oo. Kaya sige, puntahan mo na siya."

"Opo. Salamat."

Matapos magpaalam sa madre ay nagpatuloy na si Angela sa paglalakad. Binabati niya ang ilang madre na nakakasalubong niya sa hallway.

Napangiti siya. Naalala niya tuloy ang dahilan kung paano sila napunta sa piling ng mga madre...

Napabuntong-hininga siya at saglit na pinagmasdan ang portrait ni Mama Mary.

Kasabay ng pag-agos ng mga alaala ay nandoon syempre ang isang eksena kung saan muntik na niyang ibigay ang kanyang pinakaiingatang dangal sa isang estranghero.

Pero sa tingin niya ay hindi na estranghero ang lalaki sa kanyang puso.

Bakit nga ba? Dahil gabi-gabi ay naaalala niya ang mukha ng lalaking iyon, nakapagkit na yata iyon sa kanyang isipan. Syempre, nandoon pa rin ang halik na binigay nito sa kanya. Sa tuwing naaalala niya iyon ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

"Ate Angela, saan ka pupunta?" Salubong na tanong ni Vladimir. Sa ngayon ay nagtatrabaho ito sa loob ng simbahan bilang Janitor. Minsan ay umi-extra ito sa constraction.

"Ay! Ikaw lang pala. Ginulat mo naman ako."

"Parang iyon lang, e. Ah, Ate—"

"Vladimir, 'di ba sabi ko sa iyong tatawagin mo akong Sister kapag nandito tayo sa kumbento."

"Wala namang ibang tao."

"Basta. Dapat sanayin mo pa rin ang sarili mo. O, bakit ka nga pala napunta rito?"

"Ah! 'Yon na nga. May nakita akong boarding house na mura lang doon sa bungad ng San Lorenzo. Naisip ko lang na—"

"Lilipat ka ng bahay?"

"Tayo. Syempre kasama kita."

"Vladimir, hindi mo na kailangang gawin iyon. Okay na tayo rito. Libre tayo sa bahay. Ikaw, sa simbahan ka natutulog, ako dito sa loob ng kumbento. At saka ipunin mo na lang 'yang pera mo para next year ay mapagpatuloy mo na huling taon mo sa high school."

"Ate—este, Sister, hindi naman ako nanghihinayang na gumastos, para naman sa atin iyon, eh. Pero naisip ko lang kasi na paano kung malaman nila na hindi ka totoong madre? Saka kaya na kitang ipagtanggol kung sakaling—"

"Sshh. Tatlong taon na tayong nandito at nararamdaman ko na mas ligtas tayo rito. Malayo sa siyudad at kina Tyang Mareng at Don Hernan."

"Ang hukluban!" Nanggigigil na sabi ni Vladimir. "Kung noon ay nakakaya-kaya niya ako, ngayon ay lagot siya sa mga muscle ko. At sa hipopotamus na Mareng na iyon! Ang sama ng ugali niya, biruin mong ipagahasa ka sa amoy lupang Hernan na iyon. Mabuti na lang at nailigtas kita noon."  Pagmamalaki nito.

Napangiti na lang si Angela pagkuway pinagmasdan ang kapatid.

Malaki na ang pinagbago nito, hindi na ito tulad ng dati na maliit at payating bata. Nagkaroon na ito ng mga laman dahil nga nabatak ba sa trabaho sa murang edad.

Tumangkad din ito, mas mataas pa sa kanya na 5'4 lang samantalang ito ay nasa 6 footer yata. Siguro kung hindi siya nito tinatawag na 'Ate' ay iisipin ninuman na ito ang mas matanda.

"Hmm... itong kapatid ko naglalambing na naman. Alam mo, kung ganyan ka ka-sweet kay Mila, sana ay may girlfriend ka na."

Bigla namang nag-iba ang expression sa mukha nito. "Ate, una sa lahat hindi ako naglalambing sa iyo at pangalawa hindi ko type ang Milang iyon. Saka istorbo lang ang mga ganyan."

"Ikaw talaga. Alam mo gwapo ka kaya siguradong maraming magkakagusto sa iyo."

"Ate Angela naman, e!"

"Sige na nga, wala na akong sinabi. Pero ano nga ang type mo sa isang babae?" Patuloy pa rin si Angela sa pang-aasar sa kapatid.

"Wala akong type! Aalis na nga ako. May trabaho pa ako, e."

Ngumiti na lang si Angela...

My Night MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon