MNM 6

25.6K 650 31
                                    

Chapter 6

"Thanks God at dumating ka..." masayang sabi ni Anthony.

"Huwag mo sanang isipin na ginusto kong pumunta rito." Sagot niya.

Ngumiti lang si Anthony. "Of course! Hindi ko iispin iyon."

"Ano ba kasi ang kailangan mo?" Tanong niya agad. Gusto na niyang makaalis sa harapan nito. Mahirap na, baka may makakita pa sa kanya na kausap ang lalaking ito.

"Ang katotohanan..." simpleng sagot nito at alam na ni Angela ang ibig nitong sabihin.

"S-sinabi ko na sa iyong---"

"How long do you want to lie, Angela? Maybe for the past three years ay hindi nila nalaman ang totoo pero walang sekreto ang hundi nabubunyag."

"T-totoo namang---"

"Damn it Angela! I know that you are not a nun so stop playing around!" Bulyaw nito sa kanya.

Napaatras naman si Angela dahil sa biglang pagsigaw nito.

Samantala ay napabuntong hininga naman si Anthony. He should be calm. Hindi niya dapat dinadaan sa sigaw ang gusto niyang sabihin rito.

"I'm sorry. C'mon, have a sit." Aya nito sa kanya para maupo sa isang bench na naroon sa likod ng simbahan.

Tahimik lang na naupo si Angela, malayo sa kanya.

"Your are not a nun." Panimula nito. "Nagpapanggap ka lang para takasan ang mga taong humahabol sa inyo ng kapatid mo."

Napayuko si Angela. Talagang wala na siyang maitatago rito, alam na nito ang lihim nila.

"P-paano mo nalaman?"

"Nang makita kita, alam ko na kung ano ang totoo. Ang isang na madre ay hindi kailanman magtatangkang ipagbili ang sarili niya sa isang lakaking hindi niya kilala."

"Tama ka. Nagpapanggap lang ako dahil..." hindi niya masabi rito ang dahilan. Ayaw niyang madamay ito sa kung ano mang problema niya. Bigla ay napaiyak siya. Si Anthony naman ay biglang napalapit sa kanya para aluin.

"Don't cry, Angela. Promise, walang makakaalam nito. Ang gusto ko lang naman aay manggaling sa iyo ang totoo. At ngayong alam ko na..."

"T-talaga? Ililihim mo ito?"

"Yeah. Pero may kapalit..."

Sa narinig ay napatayo si Angela at litong napatitig sa mga mata ni Anthony na ewan ba niya pero may nabanaag siyang kislap sa mga mata nito.

"K-kapalit? Ayoko! Alam kong hihilingin mong---"

"Hihilingin kong ituloy natin 'yong dapat na ginawa natin noon?" Natatawang salo ni Anthony sa ibang sababihin ng dalaga.

Hindi nakasagot si Angela. Parang gusto niang batukan ang sarili. Bakit kasi hindi siya nag-iisip ng tamang salita para sabihin iyon!

"Angela, wala akong hihilingin na makakasama sa iyo." Nakangiting sabi ni Anthony.

Hindi na lang kumibo si Angela.

"Anyway, tungkol sa hiling mo... well, gusto kitang ligawan."

Bigla ay nanlaki ang mga mata ni Angela. Baliw na ba ito? Ang sabi nito ay wala itong hihilingin na  makakasama sa kanya pero ano itong sinasabi niya?

"N-nasisiraan ka na ba?" Lihim siyang nadismaya rito. Hindi niya akalain na sasabihin nito iyon.

"Kung ayaw mo then, ituloy na lang natin ang nasimulan natin noon..."

"H-ha?" Bigla ay napaatras siya dahil tumayo ito.

"So? Mamili ka na?"

"Ang sama mo! Bina-blackmail mo ako!"

My Night MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon