MNM 15

18.9K 415 7
                                    

Chapter 15

Isang buwan. Isang buwan ng hindi nagpapakita si Anthony kaya nga ngayon ay nangangamba siya na baka totoo ang sinabi ng kanyang kapatid na baka maparis siya sa kanilang ina na puro sama lang mg loob ang inabot noong nagmahal. Magkaganun man ay nananatili pa ring buo ang tiwala niya rito. Napabuntong hininga siya. Hindi niya mapigilan ang maiyak. Paano ay kahit buo ang kanyangv tiwala ay hindi niya parin maiwasan ang matakot.

Sister Angela! Sister Angela!" Malakas na sigaw ni Sister Marie na tila ba may kinakatakutan.

"B-bakit? Ano ba iyon?" Tanong pagkuway pasimpleng pinunsan ang luha niya.

"Naku! Angela, si Don Hernan ay nasa labas at nagwawala!" Naiiyak nitong sabi.

"A-ano kamo?" Bigla ay binundol siya ng kaba. Paano naman nito nalaman kung nasaan sila?

"Tumakas ka na at--- ay!" Napatili na lang ito nang makarinig ng mga putok ng baril. Pati si Angela at napasigaw din at bahagya pang yumuko. Matapos niyon ay nakarinig sila ng iyakan ng mga bata.

"Diyos ko! Yung mga bata!" Agad na nag-alala si Angela para sa mga batang naging malapit na rin sa kanyang puso.

"Angela, tumakas ka. Ikaw lang naman ang habol niya. Kami na ang bahala rito, nakatawag na rin naman kami ng mga pulis para---"

"Hindi ko kayo iiwan. Haharapin ko siya!"

"Pero---" hindi na natapos ng madre ang sasabihin dahil tumakbo na si Angela para puntahan ang mga pasimuno ng kaguluhan...

_________

"Ilabas niyo na si Angela! Si Angela lang ang kailangan ko! Kung hindi niyo siya ilalabas ay tatamaan kayo ng bala ko!" Sigaw ni Don Hernan at muli ay nagpaputok ng baril kasama ng mga tauhan nito.

Tila hindi nauubusan ng mga bala ang mga lalaking ito. Kung saan-saang panig itinatapat ng mga ito ang hawak na baril. Bale wala sa mga ito kung may matamaan man kung makasakit sila. Ang mahalaga lang ay nasisiyahan sila kapag may nakikitang takot sa mga mata ng kanilang mga biktima.

"Sige mga bata! Takbo!" Dagdag pa nito sanay tawa na para bang mga laruan nila ang mga ito.

"Tama na! Itigil niyo na 'yan! Huwag niyo silang takutin!" Agad na lumabas si Angela sa kumbento at hinarapna nga amg mga ito.

"Boss, si Angela."

"Ha? Aba! Si Angela nga. Kumusta ka na?" Tanong nito sa kanya pagkuway kinambatan ang mga tauhan para itigil na ang pagpapaputok matapos niyon ay unti-unti itong lumalapit sa kanya.

Si Angela naman at lihim na napapa-atras. Natatakot siyang mahawakan nito dahil alam niyang kapag sumayad ang kamay nito sa kanya ay hindi na siya papakawalan pa.

"Kumusta ka na? Alam mo bang matagal na akong nandito? Matagal na kasi kitang sinusubaybayan. Alam mo ba kung bakit ako nandito ngayon? Kukunin na kita. Babawiin na kita sa lalaki mo..." sabi nito nang nasa harapan na niya ito. "Sino pala ang nagsabi sa iyo na pwede kang magpaangkin sa iba? Diba sabi ko sa'yo na akin ka lang?" Dagdag nito saka ngumisi sa kanya.

Agad na nakadama ng pandidiri si Angela. Lalo na ng ilabas nito ang dila at binasa ang sariling labi. Ngumiti pa ito sa kanya kaya kitang-kita niya bungi-bunging ngipin nito, naninilaw pa ang iba at may bulok pa. At ang mismong mukha nito, may peklat sa kaliwang pisngi at alam niya kung saan galing iyon. Ito yung ginawa ng kanyang kapatid noon.

Lihim siyang nailing. Kung noon ay ayaw niya rito dahil sa katandaan ngayon ay nadagdagan pa ang pagdisgusto niya dahil nakakadiri na itong tingnan. Mas lalo itong pumangit at ang amoy nito ay kasing-baho ng nabubulok na hayop.

My Night MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon