MNM 4

28.2K 736 13
                                    

Chapter 4

Natapos na sina Angela na makipag-usap sa ina ni Anthony at ngayon nga ay pauwi na sila pero biglang inatake ng sakit ng tiyan ang kapatid niya kaya napilitan silang bumalik sa bahay ng mga ito.

"Pasensya na po talaga Ma'am Amelia, bumalik pa kami rito para lang---"

"Its okay Sister, you don't have to be sorry."

"Salamat po," ngumiti siya ng matamis sa ginang.

"You're welcome, Sister. Anyway, I'll make a soup lang for Vladimir para mainitan ang tiyan niya. Excuse me."

"Sige po. Salamat po ulit."

Ilang sandali pa ay nawala na ito sa paningin nila---oo nga pala, kasama niya si Anthony at silang dalawa lang sa sala.

"Thanks God at nasolo rin kita," sabi ni Anthony pagkuway lumipat ng upo sa kanyang tabi. Gustuhin man ni Angela na lumayo ay hindi niya magawa dahil nakahapit ang isang kamay nito sa baywang niya.

"'Y-yong braso mo... pakitanggal sa---"

"So, what about my arms?" He smirked, pero tinanggal na rin ang braso sa kanya.

Hindi na lang sumagot si Angela. Kailangan na makalayo siya agad sa lalaking ito. "T-teka pupuntahan ko lang ang kapatid ko." She was about to stand pero hinili siya ni Anthony paupo.

"My Mom said that you should be here where you belong."

Napayuko na lang si Angela. Paano ba siya makakalayo sa lalaking ito?

"You know what, Sister. I'm jealous."

"B-bakit naman?" Napilitan si Angela na lingunin ito.

"I'm jealous kasi kay Mama ka lang ngumingiti nang maayos samantalang sa akin ay laging alanganin ang ngiti mo."

"P-paano naman nasabi iyon?"

"Paano ko nga kaya nasabi iyon? Siguro dahil naiilang ka sa akin? Bakit nga kaya?" Sarcastic na sabi nito na punong-puno ng kahulugan.

Napayuko na lang ulit siya. Nakuha na niya kung anong ibig sabihin nito.

"Angela, tell me what happened. Its been five years since we saw each other." Sabi nito saka siya hinawakan sa braso para maiharap siya. "Look at me, Angela. Tell me, paano ka naging isang madre?" Mahinahong tanong nito.

Pero sa halip na sumagot ay iniiwas na lang niya ang tingin at nanatiling tikom ang bibig. Ano naman kasi ang sasabihin niya? Hindi naman siya nito matutulungan. Isa pa, five years na ang lumipas kaya wala na itong pakialam sa nangyari sa kanya.

"Ano ba ang dapat kong isagot? Isa akong madre kaya wala kang karapatang maghinala sa akin." At buong tapang siyang tumitig sa mga mata nito para mapatunayan na totoo ang sinasabi niya kahit na hindi.

"Angela..."

"Sister Angela! Please, iyon ang itawag mo sa akin." Naiinis na talaga si Angela. Hindi siya papayag na mabuko siya nito. Kaya naman marahas siyang tumayo para makalayo na rito pero marahas naman siyang hinila pabalik ni Anthony at sa pagkakataong iyon ay napaupo siya sa kandungan nito.

Malaya niya ngayong namamasdan ang gwapo nitong mukha, pati ang mata nito na ewan ba niya pero nakikita niyang parang kumikislap iyon.

No! Hindi puwede ito! Maaga siyang nagising kaya naman tinulak niya ito at akma sanang aalis pero hinuli nito ang batok niya at sapilitan siyang hinalikan. Sinubukan niyang itulak ang balikat nito pero ang higpit na nang yakap nito sa kanya kaya kahit na malaya ang kanyang mga kamay ay nawalan din iyon ng silbi.

My Night MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon