MNM 3

33.4K 725 7
                                    

Chapter 3

"Ate Angela!" Tawag sa kanya ni Vladimir nang makita siyang nagtatago sa likod ng malaking puno habang may tinatanaw.

Gulat na napatingin ang dalaga sa kanya na para bang nakakita ng multo.

"Anong nangyari? Bakit ka nagtatago dyan?" Agad ay napalapit ang binata sa kanya at nakitanaw din doon sa tinitingnan niya.

Samantala ay napabuga ng hangin si Angela na para bang nabunutan ng tinik.

"Mabuti at dumating ka na agad."

"Bakit ba? May nang-away ba sa iyo? Nambastos? Tarantado iyon, ah! Turo mo sa akin at bubugbugin ko!" Matapang na sabi nito.

"Hindi! Ano ka ba, wala namang nang-aaway sa akin." Awat niya agad dito dahil handang-handa na ito manugod.

"E, anong problema mo?"

"Natatandaan mo ba ang kwento ko sa iyo kung saan ko nakuha ang perang pang-opera sa iyo?"

Natigilan si Vladimir. Agad na naalala ang kwento ng kapatid at mula ng malaman niya na muntik na nitong isakripisyo ang sarili ay ipinangako na niya sa sarili na poprotektahan si Angela sa kahit na anong paraan.

"Bakit? May kinalaman ba iyon sa problema mo ngayon?"

"O-oo e. Kasi anak pala ni Mrs. Recafuerte 'yong lalaking ninakawan ko ng pera. Natatakot ako na baka isumbong niya ako na hindi naman talaga ako isang madre."

"Huwag kang mag-alala, Ate. Kapag nagsumbong ang gagong iyon, mata lang niya ang walang latay."

"Vladimir..."

"Hindi ka dapat matakot, Ate. Kasi ang alam niya ay madre ka kaya hindi ka niya puwedeng galawin."

Natigilan si Angela. "Tama ka. Pero nakaka-guilty talaga. Kahit sinasabi ko na naiintindihan Niya tayo, hindi ko mapigilan isipin na baka ang Diyos na ang gumagawa ng paraan para matigil na itong  pagpapanggap ko. Siguro 'yong pagkikita namin ulit ng lalaki ang ginawa niyang way para---"

"Ate, huwag mong isipin yan."

"Kasi naman..."

"Ate, ito ang pinakaligtas na lugar para sa ating dalawa kaya alam ko, hindi Siya gagawa ng bagay na ikakapahamak natin."

Napabuntong hininga na lang si Angela. Hindi na siya sasagot pa. May punto naman kasi si Vladimir. This is the safest place for them, malayo sa panganib na natakasan na nila noon...
____

3 years ago...

"Kailan ba magiging handa si Angela na magpakasal sa akin? Aba! Lumilipas na ang panahon, sa isang taon ay sixty na ako." Sabi ng matandang balo na si Hernan Solisa. Ito ang pinakamayaman sa kanilang lugar. At dahil mayaman ay ginagamit nito ang pera para isuhol kay Mareng upang pakiusapan si Angela na magpakasal sa matanda.

Tulad ngayon, aligaga si Mareng sa pagbibilang ng perang binigay nito. Pero ayaw ni Angela sa matanda, may sabi-sabi kasi na galing daw sa masama ang kayamanan nito.

"Naku, huwag kang mag-alala dyan kay Angela. Nag-i-inarte lang yan. Alam mo na, bata pa kasi." Sagot ni Mereng habang nilalagay ang pera sa wallet.

"Baka naman kaya ayaw ni Angela magpakasal ay dahil akala niya ay hindi ko na kaya magpaligaya? Aba! Marami na akong karanasan sa kama kaya hindi siya magsisisi." Nakakalokong sabi nito at sinabayan pa ng tawa.

Napabungisngis naman si Mereng sa sinabi nito.

"Alam mo Don Hernan, may balak ana ako para tuluyan ng mapasaiyo si Angela." Maya-maya ay sabi ni Mereng.

My Night MistressWhere stories live. Discover now