MNM 8

24.7K 515 14
                                    

Chapter 8

Taimtim na nagdadasal si Angela sa loob ng simbahan kaya naman hindi na niya napansin ang pag-upo sa kanyang tabi ni Anthony.

"Ano kaya ang pinagdadasal ng aking anghel?" Masuyong tanong ni Anthony.

"Ikaw pala."

"Ikaw pala? 'Yon lang ba ang sasabihin mo?"

Biglang natawa si Angela. "Bakit? Meron pa bang iba?" Biro niya.

Napangiti na lang si Anthony pagkuway masuyo niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at marahang pinisil.

"B-baka may makakita sa atin..." mahinang bulong niya rito pero hindi naman niya magawang aalisin ang kamay rito.

"Wala. Don't worry."

Hindi na lang kumibo si Angela. Tama ito, wala namang makakakita sa kanila dahil nasa isang sulok sila kung saan wala namang dadaan doon dahil dead-end na iyon.

Kaya hinayaan na lang niya na hawak nito ang kanyang kamay. Bilang ganti naman sa lambing nito ay sumandal siya sa dibdib nito at pinakinggan ang tibok ng puso nito. Napapikit na lang siya dahil para iyong musika sa kanyang pandinig, tila siya ay ipinaghehele.

At dahil sa kaiga-igayang pakiramdam na iyon ay di na nila napansin na merong mga mata ang nagmamatyag sa kanila...

"Alam mo Angela, may mga naging past girlfriends ako noon." Mayamaya ay sabi ng binata.

"Talaga? E di, playboy ka pala?"

"Noon. Pero ngayon hindi na. Girlfriend na kita at hindi na ako magiging playboy dahil ayokong masayang ang paghihirap ko para mapasagot ka. Saka sa 'yo na lang ako magiging playful..."

Natawa na lang si Angela sa sinabi nito. And yeah, sila na nga, sinagot niya ito noong nakaraang araw lang, noong silang dalawa lang sa kwarto habang panakaw na kumukuha ng halik sa isa't isa. Pero hanggang doon lang ang ginawa nila. Nothing more. Nothing less. Si Anthony na mismo ang puimigil sa sarili kaya hindi sila lumagpas sa kanilang limitasyon.

"Anyway, about sa mga past girlfriends ko. Alam mo ba kung bakit hindi sila tumatagal sa akin?" Umiling lang si Angela. Hindi na siya sumagot, mas gusto niyang makinig na lang sa kwento nito. "They are jealous about you. Ikaw kasi ang palaging laman ng isip ko kahit na may karelasyon ako. At alam mo ba kung anong tawag nila sa iyo? They are calling you my imaginary mistress but I don't like that term. I prefer calling you my night mistress."

Hindi ulit sumagot si Angela. Kinurot lang niya ito sa may tyan.

"O bakit? Ang ganda nga ng tawag ko sa 'yo, eh."

"Ewan ko sa iyo!" Natatawang sabi niya rito.

"So, now you are my girl I want you to introduce to my Mom.

Napaangat ng ulo si Angela sa narinig at tumitig sa mga mata nito.

"A-ano 'yon? Ipapakilala mo ako kay Ma'am Amelia? Baka magalit siya saka ang alam niya kasi----"

"Sshh, don't worry about her. Hindi siya magagalit."

"P-pero..."

"Basta, ipapakilala kita as soon to be her daughter in law and---"

"T-teka, akala ko ba..."

"Doon din naman ang punta natin."

Ngumiti na lang si Angela pero ang totoo ay kinakabahan siya. Paano kung magalit ito sa kanya? Paano kung hindi siya tanggapin? She secretly sighed. Kinakabahan talaga siya...

_______

Matapos magsimba ay nagpasya na silang dumeretso sa bahay ni Anthony. Haharapin na nila ang ina nito. Kinakabahan pa rin talaga siya kahit na sinabi ni Anthony na mag-relax lang daw siya. But how can she relax? Ipapakilala siya bilang nobya habang suot ang kanyang abito? Its weird. Baka sa sandaling ipakilala na siya ay mahimatay pa ito.

My Night MistressWhere stories live. Discover now