MNM 12

20.5K 456 8
                                    

Chapter 12

Payapang naglalakad si Angela patungo sa kumbento nang maraanan niya ang isang itim na kotse. Pinilit niyang aninagin kung may tao sa loob pero wala siyang nakita dahil itim na tinted ang salamin niyon. Magkaganun man ay naglakad pa rin siya hanggang sa malagpasan na niya ang kotse.

Pero may nag-uudyok sa kanya para muling lumingon, hindi dahil sa maganda ang kotse pero may pakiramdam kasi siya na parang may nakatingin sa kanya mula roon sa loob ng kotse. Isang matatalim at nagbabantang titig. Iyon ang nararamdaman niya at may hinala siyang mwy dalang panganib ang mga iyon.

Agad niyang binawi ang tingin sa sasakyan sa pangambang baka biglang bumaba ang sinumang sakay ng kotse. Nagsimula na siyang maglakad at inignora na lang ang kakaibang nararamdaman. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang biglang may humawak sa kanyang balikat. Napaigtad pa siya dahil sa takot. Nanlalaki ang mga matang lumingon siya.

"V-vladimir! Ikaw lang pala. Ginulat mo naman ako." Nakahinga siya mg maluwag. Akala niya ay bumaba ang sakay ng kotse. Napatingin siya uli doon sa sasakyan pero umandar na iyon paalis.

"Bakit? May problema ba sa kotse na yun?" Tanong ni Vladimir saka mapatingin din sa palayong sasakyan.

"Wala naman."

"Ganun ba?" Binawi na niya ang tingin sa kotse at matiim na tumitig sa kanya.

Bigla namang nailang si Angela kaya nagbaba siya mg tingin.

"B-bakit ganyan ka makatingin?"

"Saan ka galing kagabi?"

"H-ha? A-ano yun?"

Marahas na napabuntong hininga si Vladimir.

"Pumunta ako kagabi sa kumbento pero wala ka doon sabi ni Sister Marie."

"M-may pinuntahan kasi ako at---"

"Sa dis-oras ng gabi?"

"H-hindi naman ako magtagal. Umuwi dib naman ako agad."

"Talaga?" Yung boses nito parang hindi naniniwala.

"O-oo. T-teka nga, bakit ba nagtatanong ka ng ganyan sa'kin?" Nilakipan niya ng inis ang tinig.

"Kasi naghintay ako kagabi sa labas ng kumbento pero wala ni anino mo ang nakita ko." Mahinahon nitong sabi pero halata na may tinitimping galit sa boses.

"B-baka 'di mo lang ako napansin at---"

"Nanggaling ka ba sa Anthony na 'yun?" Seryoso nitong tanong.

Hindi nakakibo si Angela. Ayaw na niyang mangsinungaling dahil kahit anong gawin niyang pagtatakip ay mabubuko siya nito.

"Sabi ko na nga ba! Ang tarantadong yun..." nanggigigil nitong sabi. "Humanda siya sa'kin, bubugbugin ko siya." At akma na sana itong tatalikod pero bigla siyang pinigilan ni Angela.

"A-ano ka ba? Bakit ba ang init ng ulo mo sa kanya? Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo."

"Sa'kin wala. E, sa'yo meron! Ginagawa ka niyang tanga, inuuto ka lang niya!"

"Hindi siya ganun!" Pagtatanggol niya sa lalaki. "Ikaw lang naman ang nag-iisip na ganun siya. Hindi mo pa kasi siya kilala kaya nasasabi mo yan."

Biglang natigilan si Vladimir, hindi dahil sa sinabi ng kapatid pero dahil may napansin siya sa bandang leeg nito. Agad niyang sinipat ang kung anong parang mapulang kinagat.

"O? Bakit na naman?" Napansin niya ang pagtitig nito sa leeg niya.

"Anong ginawa sa'yo ng gagong yun?"

"H-ha? A-ano ba yun?" Napahawak siya sa sariling leeg para alamin kung ano ang napapansin nito.

"May kissmark ka sa leeg mo. Ibig sabihin niyan ay may humalik sa'yo dyan. Ibang klase!"

"V-vladimir---"

"May nangyari ba sa inyo ng lalaking yun? Ginalaw ka ba niya?" Seryoso nitong tanong.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nabubulol niyang sabi, nagiging malikot na rin ang mga mata niya. Paano ba niya sasabihin ang bagay ma yun sa kapatid niya? Siguradong mas lalo itong magagalit.

Samantala ay napasabunot na lang ng buhok si Vladimir. Halata niya kasi sa kapatid na gusto pa nitong itago ang totoo kahit alam naman niyang nagsisinungaling na ito.

"Alam ko kung ano yan. Halata naman e. May nangyari na sa inyo ng lalaking yun."

Napayuko na lang si Angela, wala na siyang dahilan para magkaila pa.

"O-oo na. Meron nga..." nahihiya niyang sabi. "Binigay ko yung sarili ko sa kanya pero wala namang masama dun kasi mahal namin ang isa't---" hindi na natuloy ni Angela ang iba pang sasabihin dahil biglang sinuntok ni Vladimir ang pader.

"Hayop talaga ang lalaking yun. Hayop!" Galit nitong sabi saka muling sinuntok ang pader, para nga itong walang nararamdamang sakit. Ganito nga yata kapag galit ang isang tao. Nagiging manhid.

"T-tama na, Vladimir. D-dumudugo na yang kamay mo." Pigil niya rito pero ayaq nitong magpaawat kaya niyakap na lang niya ito. Hindi na niya mapigilan ang umiyak, hindi niya kasi kayang nakkkita na ganito ang kanyang kapatid.

"Sasaktan ka lang ng Anthony na yun." Tinigil na niya ang pagsuntok sa pader at hinarap ang kapatid.

"Hindi niya gagawin yun. Mahal niya---"

"E, ganun din ang sinabi ni Papa kay Mama. O, anong nangyari? Wala! Niloko lang niya ito at pinasakitan. Pinaiyak pa! Ate, ayokong matulad ka sa kanya. Ayokong nasasaktan ka, alam mo naman yun, diba?" Masuyo niyang sabi saka pinunasan ang luha ng kanyang kapatid.

"Huwag kang mag-alala sa'kin. Hindi niya ako sasaktan. Mahal na mahal niya ako at nararamdaman ko yun."

Matiim lang na nakatitig si Vladimir kay Angela na para bang binabasa kung totoo ang sinasabi nito. At sa kislap pa lang ng mga mata nito habang sinasabi na mahal ito ng Anthony na iyon ay alam na niyang totoo nga ang mga sinabi nito.

"Sige. Bahala ka na nga."

"Vladimir naman..."

"Basta kapag sinaktan ka ng gagong yun, isumbong mo agad sa'kin. Ako abg gaganti para sa'yo."

Napangiti na lang si Angela sa sinabi nito. Akala niya ay tututol na naman ito sa kagustuhan niya.

"Hindi ko na kailangan na magsumbong sa'yo. Hindi naman niya ako sasaktan, e." Sabi niya saka masuyo itong niyakap. "O, tara na. Gagamutin ko na 'tong sugat mo. Ikaw kasi e, palagi mo na lang pinapairal ang init ng ulo mo." Natatawang sita niya rito.

Ngumiti na lang si Vladimir sa kapatid. Sa totoo lang ay hindi pa niya lubusang tanggap si Anthony. Natatakot siya na baka lokohin lang nito ang kapatid. Pero wala na siyang magagawa roon dahil mahal na mahal ni Angela ang lalaking yun.

"Basta, kapag pinaiyak ka niya, yari talaga siya sa'kin." Bulong niya sa sarili.

Matapos niyon ay umalis na sila sa lugar na iyon at naglakad na papunta ng kumbento. Hindi na nila napansin na pasimpleng bumalik ang itim na kotse. Mula doon ay lumabas ang isang lalaki at sinundan ng tingin ang magkapatid.

"Angela... hindi ka pa rin nagbabago, napakaganda mo pa rin. Lalo na sa suot mong abito, mas lalo kang mangmukhang anghel. Kapag nakakuha ako ng pagkakaton, hinding-hindi na kita papakawalan. Magiging akin ka rin." Nakangisi niyang bulong sa sarili. "At yan na pala si Vladimir? Ang tarantadong bata na yun. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa mukha ko..."

My Night MistressOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz