MNM 17

19.3K 431 8
                                    

Chapter 17

Nasundan na lang ng tingin ni Anthony ang kapatid pagkuway napailing na lang. Talo pa nito ang bata kung kakulitan lang din ang pag-uusapan. Napabuga na lang siya ng hangin saka nagtungo sa silid ni Angela. Binuksan niya ang pinto at sinilip ang dalaga. Hindi na niya binuksan ang ilaw dahil sapat ang liwanag na nagmumula sa lampshade upang mapagmasdan ito.

Mahimbing na ang tulog ni Angela. Napakapayapa na. Hindi tulad kanina na parang hihimatayin na sa sobrang takot. Kanina, nang mawala siya ay nagpunta siya sa kumbento para alamin kung ano ang nangyari.

At doon nalaman niya na may mga armadong lalaki na pilit kinukuha si Angela. Tatlong araw na din pala ang nakakalipas simula nang mangyari iyon.

"Kawawa naman ang anghel ko. Damn! Kung sino man ang mga taong iyon I swear, tatadtarin ko ng bala ang katawan nila!" Bulong niya sa sarili.

Hindi niya tuloy mapigilan mag-isip kung sino ang mga taong iyon.

"Kung sino man sila. Hindi ko hahayaan na makuha nila si Angela. Over my dead body!"

"What are you saying?"

Napaigtad sa gulat si Anthony nang magsalita ang kapatid niya dahilan para pagtawanan siya nito.

"Lira..." mahinahon pero halata na may tinitimping inis sa boses nito.

"Ok! Ok! I'm going to my room na." Natatawa nitong sabi. "And Anthony, huwag kang magsalita mag-isa dyan. You look stupid kasi and hindi bagay sa'yo."

"Lira!" Tinaasan na niya ito ng boses pero tinawanan lang siya nito habang tumatakbo papasok sa kwarto nito.

Napailing na lang ang binata pagkuway pumasok na sa silid ni Angela.

Sandali niyang pinagmasdan si Angela. Nang hindi makatiis ay naupo siya sa gilid ng kama at masuyong hinaplos ang pisngi nito.

"Angela... I'm sorry dahil wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ang tulong ko." Bulong niya sa punong tainga nito.

"V-vladimir..." sambit ni Angela na tila nananaginip.

Napabuntong hininga naman si Anthony. "Don't worry, Angela. Ipapahanap natin ang kapatid mo." Sabi niya saka nahiga sa tabi nito at iniyakap ang kamay sa baywang nito.

Lihim siyang napangiti. Gusto niya sa paggising kinabukasan ay ang maamong mukha nito ang unang masilayan niya nang sa ganoon ay mapawi ang isang buwang pananabik niya sa katipan...
_________

Naalimpungatan si Anthony nang makarinig ng mga bulong at hikbi na para bang nahihirapan. Agad ay hinanap niya iyon pero si Angela pala ang umiiyak.

"Angela, wake up..." pilit ay ginigising niya ito. Pero ng damahin niya ang noo nito ay napaigtad na lang siya dahil sobrang init nito.

"Damn! Ang taas ng lagnat niya!"

Sa ilang saglit ay di niya malaman ang gagawin. Paano ay nanginginig na ito sa ginaw at basa na rin ng pawis.

"Damn! Si Lira!" Agad ay napababa siya ng kama ng maisip niya ang kapatid. Nursing ang kinukuha nito kaya malamang ay may alam ito sa mga ganitong sitwasyon.

"Lira!" Halos ay gibain na niya ang pinto ng kwarto nito dahil sa mga katok niya.

"What? God! I'm in the middle of my beauty rest!" Naiinis na sabi nito nang maalimpungatan.

"Help me! Si Angela, she's sick. Ang taas ng lagnat niya!" Intense na sabi nito.

Agad ay nawala ang antok ni Lira dahil sa boses ng kapatid. Sobra ang pag-aalala nito. Naalala niya tuloy noong nag-alala si Anthony sa kanilang ama. Ganitong-ganito iyon. Ramdam niya ang takot sa tinig nito.

My Night MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon