MNM 5

28.8K 650 4
                                    

Chapter 5

Napabuntong hininga na lang si Angela matapos mawala sa paningin niya ang kapatid. Alam niya kasing hindi naniniwala si Vladimir sa sinabi niyang okay lang siya pero wala naman siyang magagawa kundi ang magpanggap na ayos lang ang lahat. Kapag sinabi niya kasi ang nangyari kanina ay siguradong mag-aalala ito at ayaw niyang mangyari iyon.

Ayaw niyang malaman nito na pangahas siyang hinalikan ni Anthony. Napatingin siya sa bintana at inusisa ang repleksyon niya roon. Nahawakan niya rin ang labi na kanina lang ay inangkin ng lalaking iyon. Noong hinalikan siya nito, ang daming pumasok na emosyon sa puso niya. Halo-halo pero isa lang ang alam niya, na-miss niya ang halik ni Anthony.

Napailing siya. Mali na maramdaman niya iyon! Ano ba kasi ang pumapasok sa utak niya? Hindi niya dapat iniisip ang mga ganitong bagay! Hindi dapat!

"Sister Angela! Ano ba ang ginagawa mo dyan?" Tanong ng isang madre nang makita siya sa harap ng bintana habang umiiling.

"W-wala po. Sige po, Sister." Napayuko na lang siya dahil sa hiya. Sa kakaisip sa halik na iyon ay hindi na niya napansin na nasa loob na pala siya ng kumbento.

Naglakad na siya at punasok sa silid nila ni Sister Marie. Hinubad na niya ang kanyang belo at abito saka nahiga na sa kanyang higaan habang baon pa rin sa kanyang isip ang mga nangyari kanina. At hindi niya inaasahan na sasalo iyon sa kanyang maganda pero mapanuksong panaginip...

_____

"Sandali lang..." pero iyon na lang ang nasabi ni Angela dahil tuluyan ng lumapat ang labi ng binata sa kanya.

Sa una ay magaan lang pero ng magtagal ay mas nagiging marubrob na at kahit siya mismo ay nadadala na dahil sa init na dala nito sa kanya. Ang mga kamay nito na nasa leeg niya ay marahang dumadausdos pababa sa kanyang damit upang buksan ang mga butones ng kanyang na naroon.

At tila nawala naman sa isip ni Angela na dapat ay hindi siya nagpapaubaya kay Anthony. Pero kung naisip man niya iyon, kaya niya kayang pigilan ang nagwawalang damdamin na nasa kanilang mga dibdib? Hindi. Hindi niya kaya.

Dahil doon ay ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ito sa gustong gawin, hanggang sa naramdaman niya ang pag-angat sa ere dahil pinangko pala siya nito para dalhin sa kwartong naroon.

Naramdaman niya ang malambot na bagay sa kanyang likod at ang buong bigat na pumaibabaw sa kanya.

"A-anthony..."

"Sshh... trust me. I know that this is your first time but I promise, I won't hurt you..." at nagsimula na itong kumilos.

Habang si Angela ay napapikit na lang...

"Anthony... Anthony..." paungol niyang sabi na tila nagdediliryo na dahil pabiling-biling ang ulo niya...

"Sister Angela, Sister Angela. Gising na, tanghali na maghahanda pa tayo sa darating na foundation day natin." Uga sa kanya ni Sister Marie.

"H-ha?" Tuluyan nang nagising ang kamalayan ni Angela. Napalunok siya. Bahagi lang pala iyon ng kanyang panaginip pero bakit naman ganoon?

"O, para kang nabuhusan ng malamig na tubig. Pawis na pawis ka pa. Teka lang, may tinatawag kang pangalan kanina. Ano ba 'yon, An... An..."

"A-anita! Y-yon ang pangalang binabanggit ko."

"Ganoon ba? O, sige na. magbihis ka na. Sumunod ka na lang sa baba."

"Sige, maliligo muna ako."

"Okay. Bilisan mo, ha?"

Tumango na lang si Angela. Ni-lock niya ang pinto bago pumunta sa banyo. Habang nasa shower room ay iniisip rin niya na paano kaya kung magkatotoo ang kanyang panaginip? Kung mangyayari kaya iyon magpapaubaya rin kaya siya tulad sa kanyang panaginip? Napapikit siya saka niyakap ang sarili. Tinapos na niya ang pagligo at agad na nagbihis para makatulong sa ibang madre na naghahanda para sa darating na foundation day.

My Night MistressWhere stories live. Discover now