sayang c7

15 0 0
                                    

to ms alesana marie. you are something. :)

**************

Iniwan na nya si Anne sa kwartong ookupahin nito. Maglilinis na daw ito ng katawan at matutulog na. Pagod daw talaga ito sa byahe.

Paglipat nya sa kabilang kwarto ay abala ang lahat sa paglalaro. Ang ingay. Mabuti na lang at malayo sila sa kwarto ng mga magulang nya. Maya-maya ay sumali na din sya sa paglalaro ng mga ito.

Nang ma-bore ay naisip nyang balikan si Anne sa kabila. Sa naaalala nya ay namamahay ito.

Kumatok sya sa pinto nito.

Walang sumasagot. Pero may ilaw naman sa loob.

Pinihit nya ang doorknob. Bukas iyon.

Tumambad si Anne na tulog na tulog.

Nakaharap ito sa kanya ngayon dahil naka-fetal position ito.

Hindi ba ito nahihirapan sa pwestong iyon?

Nakapagpalit na nga itong short at tshirt. Hindi din nito gamit ang kumot na ibinigay nya dito para gamitin.

Adik talaga. Madali pa naman itong ginawin.

Inayos nya ang electric fan na nakatutok dito. Binuksan nya ang lampshade sa table na malapit dito.

Kinuha nya ang stool sa sulok at pumuwesto sa tabi ng kama.

Parang nakakaaliw itong pagmasdan ngayon.

Maikli ang buhok nito ngayon hindi tulad ng dati na abot bewang. Inirapan nya pa nga ito nang gawin nito iyon. Ang sabi nya kasi dito ay wag itong magpapagupit. Ang sabi naman nito, kelangan daw na walang hassle sa pagrereview para sa board. Buti nga at mukha pa itong babae.

Sinuklay-suklay nya ang buhok nito at pagkatapos ay dinampian ng halik sa noo.

Napangiti sya. Sasapakin sya nito kapag nalaman nito na hinalikan nya ito.

Napaka-open nito sa kanya kahit na lalaki sya at babae ito. Their talks have no traces if inhibitions. Kahit kelan ata ay hindi ito nahihiyang sabihin sa kanya ang naiisip, nararamdaman o napapansin. Ito pa nga ang nagsasabi na kailangan na nyang magpalit ng damit o mag-polbo.

Madali din nyang mahalata ang mood nito. At madalas na namamangha ito sa kanya dahil nababasa daw nya ang takbo ng utak nito. Pero kahit kailan ay hindi sya nito sinungitan dahil sa ‘meron’ ito. Bihira ang babaeng hindi tinatamaan ng PMS.

Hinahayaan din sya nito na patuloy nya itong suntukin. Hindi kasi ito nagkakaroon ng pasa. Pero ayaw na ayaw nitong kinukurot at kinikiliti.

Hindi ito iyakin. Hindi people pleaser. Umiiba sa nakasanayan. Walang pakialam sa itsura nito. At hindi nagsusuklay.

“Ang ganda nya, right?” boses iyon ni Trey.

Nakasandal ito sa may pintuan. Lumapit ito at umupo sa tabi ng natutulog.

“Oo. Gumanda nga siya.” Sang-ayon nya.

“Matagal na syang maganda, tropa.”

Hindi na sya kumibo pa. Totoo naman ang sinabi nito.

“Lagi syang tulog sa library kapag nagrereview kami. Akala nya siguro astig ang antukin.” Tumawa ito.

“Sa halos tatlong taon naming relationship, namamangha pa rin ako sa kanya. Lagi kasing may bago sa kanya. Sa biglaan lang nyang pagpapagupit ng buhok, naaaliw na ko.” Inayos nito ang kumot.

“Laging nakangiti na kahit misan ay puro kalokohan ang nasa likod nun. Masayahin kahit minsan eh mukha na syang ewan. Handang magbigay ng tulong.” Hinaplos nito ang pisngi ni Anne.

“Hindi ko alam kung ano ang nakita nya sakin para sagutin ako ng oo noon. Pero nagpapasalamt ako sa Diyos dahil girlfriend ko sya.”

Nakatingin sya kay Trey.

Nakatingin ito kay Anne.

He saw his love for her. He looked at Anne with respect and genuine love.

Tumayo na ito at hinalikan ang kamay ni Anne pagkatapos ay bumulong.

“Goodnight Anne. I love you.”

Nagpaalam na din ito sa kanya.

Pagkaalis ni Trey ay muli nyang pinagmasdan ang natutulog na babae.

Hahawakan nya sana ito nang bigla itong nagsalita ng mahina.

“Trey…”

Natigilan sya.

He felt something really weird.

He suddenly felt sad.

What’s wrong with him?

He realized one thing.

Palagi nitong sinasabi sa kanya na sya ang isa sa mga superhero sa buhay nito. Lagi daw kasi syang nakaalalay kapag naglalakad sila sa tabi ng highway.

O kaya kapag binibigyan nya ito ng chocolate.

Kapag nabibigyan nya ito ng regalo sa birthday nito.

Lalo na kapag pinapakopya nya ito ng plate at sinasabihan kapag wala na ito sa tamang landas.

Hindi na sya si Batman.

Someone took his place as her hero, as her knight in shining armor.

Three years na pala syang hindi si Batman.

***********************

sayangWhere stories live. Discover now