sayang c13

8 0 0
                                    

sabog sabog lang sa mga exams. 

*********************

Pagdating sa bahay nila ay nanghiram ito ng tshirt at shorts. Para daw makakilos ito nga maayos.

“Wala sila tita?” tanong nito.

“Wala. May party silang pinuntahan.”

“Wow. Party people.”

“Baliw.”

“Kapatid mo?”

“Naglakwatsa. May overnight.”

“Tayong dalawa lang dito?”

“Oo. May problem ba?”

Ngumiti ito. “Yes! Freedom!”

At umakto nga ito na parang sariling bahay ang bahay nila. Humiga na ito sa sofa at nagbukas ng tv.

Napailing na lang sya.

“Bihis muna ako. Ayusin mo na yung pizza.”

“Yes sir. Yung hinihiram kong damit ah.”

“Oo na.”

Umakyat sya sa ikalawang palapag ng bahay nila. Nagbihis. Kumuha ng hinihiram nitong damit. Bumaba.

Dinatnan nya itong kumakain ng pizza habang nakahilata.

“Eto na yung damit.”

Bumangon naman ito mula sa paghilata at iniabot ang hawak nyang damit.

“Umalis ka muna. Dito na lang ako magbibihis. Maganda yung pinapanuod ko eh.”

Ang tamad talaga nito. Palabas lang yun sa tv! At malapit lang ang banyo.

“Tae ka! Magbihis ka sa banyo.” Sita nya.

“Ikaw lang naman yan eh.” Sabi nito at nagtangkang magbihis sa harapan nya.

“Mahiya ka nga sa balat mo.”

Tumawa lang ito. “Ikaw nga naka shorts lang eh. Wala kang suot na tshirt.”

“Lalaki ako.”

“Huuu. Babae ako.” Tumayo na ito at dumiretso na sa banyo.

Habang nagbibihis ang babae sa banyo ay kumuha na sya ng dalawang baso at inumin sa ref. Bumalik sya sa sala at nanuod na din habang kumakain.

Lumabas ito ng banyo.

Natawa sya.

Hiphop.

“Bakit ka tumatawa?” pansin nito.

“Wala.”

“Ang luwag ng mga damit mo.”

“Maliit ka lang.”

Inirapan lang sya nito at kumuha na ulit ng pizza. Nilagay naman nito ang palda at blouse nito sa table malapit.

Dahil sa magkatabi sila ay napapansin nya ang bawat galaw nito. Nang itaas nito ang mga paa nito at niyakap ang legs ay bumaba ng neckline ng suot nitong tshirt. Nakita tuloy nya ang balikat nito at ang strap ng bra.

Hinawakan nya ang tshirt at iniayos dito.

“Ay, sorry.” Sabi nito at nanuod na ulit.

Pero naulit lang ng naulit ang pangyayaring iyon.

“Tama na nga. Hayaan mo na yang nakaganyan. Hassle eh. Strap lang naman ang kita.”

“Hindi ka ba nahihiya sa akin?” tanong nya.

sayangWhere stories live. Discover now