sayang c12

4 0 0
                                    

*****************************

Wala naman syang ginawang plano. Kung ano lang ang gusto nilang gawin, yun lang ang gagawin nila. Walang schedule para ayos.

Ililibre nya ng lunch si Anne. Kung gusto nitong manuod ng sine, manunuod sila. Depende na rin dito kung mag-aaya itong mamasyal. Tapos pupunta sila sa bahay nya. Magkwekwentuhan doon. Magbobonding sa simpleng paraan.

Ayos na kayang plano yun? Parang wala ngang plano.

Nagsuot sya ng longsleeve na pink na inililis ang manggas hanggag siko. Favourite kasi ni Anne para sa kanya ang kulay pink. Jeans. Sneakers. Kinuha nya ang susi ng kotse at nagpaalam na sa mama nya.

May lakad ang mga magulang nya mamaya. Christmas party ng mga ito mamaya kaya siguradong gabi na makakauwi ang mga ito. At ang dakila naman nyang kapatid ay may overnight sa bahay ng kabarkada.

Pagdating sa bahay ni Anne ay ang mama nito ang nagbukas sa kanya ng gate. Nagmano sya dito. Nginitian naman sya ng matanda.

“Pumopogi ka, hijo.”

“Salamat po tita.” Tumawa pa sya.

“Umupo ka muna. Matagal pa yata si Anne.”

May sumigaw. “Mac! Ikaw na ba yan?” si Anne.

“Puntahan mo na sa kwarto nya.”

“Sige po.”

Umakyat sya sa kwarto ng babae. Kumatok sya sa pinto. Agad namang bumukas ang pinto at iniluwa si Anne. Hindi pa ito nakadress. Nakapambahay pa lang at basing-basa ang buhok.

“Mamili ka ng isusuot ko habang nagpapatuyo ako ng buhok.” Sabi nito.

Pumasok sya sa loob at lumapit sa closet nito.

“Bahala ka sa damit mo. Ikaw ang magsusuot nyan, hindi ako.”

Napailing ito. Tiningnan nitong muli ang hilera ng mga damit nito. At napangiti.

“Lumabas ka muna. Magbibihis na ako.”

Lumabas sya at hinintay ito sa labas ng kwarto. Nang mainip ay bumaba sya at pumunta ng kusina. Makikiinom muna sya ng tubig.

“Mac! Tara na!”

“Inom lang ako ng tubig.”

Uminom nga sya ng tubig at nagpaalam na sa mama nito na nagluluto na ng lunch.

Nakita nya itong nakatayo sa tabi ng kotse nya.

Babae nga ang itsura nito. Beautiful.

She’s wearing a simple white blouse na naka-tuck in sa floral nitong pencil cut na palda. Nakasuot din ito ng pink na high heels. Ayos ang mukha nito. Simpleng lip balm lang ata ang ipinahid nito sa mukha nito. At simpleng earrings at watch ang accessories.

“Eto na yung pamalit kong damit. Ayokong magdress today eh.”

Doon lang sya natauhan. “Ok.”

Binuksan nya ang kotse at inalalayan itong sumakay.

-- 

Naglunch sila sa favourite restaurant nito. Bumili ito ng ice cream. Inalok pa sya nito na tinanggihan nya. Kinunutan lang sya nito ng noo. Hinanap din nila ang bilihan ng anime items. Bumili ito ng ballpens. Nagpabili ng krispy kreme. Nag-aya itong tumingin-tingin ng damit. Bumili ito ng brand nito ng pabango. Nang mapagod ito ay huminto sila sandal at umupo.

“Nakakapagod.” Reklamo nito.

“Ikaw lang naman ang may gusto na lakad ng lakad.”

“Nuod tayo ng sine. Libre ko.”

Bigla itong tayo at hinila na sya papunta sa sinehan. Ito ang namili ng papanuorin nila. Pinili nito ang isang romantic movie. Gwapo daw kasi yung bidang lalaki. At nabasa na daw nito yung book na kung saan naka-base yung movie.

Bumili muna sila ng popcorn at softdrinks at pumasok na sa loob. Sakto lang ang oras nila sa panunuod ng sine. Umpisa pa lang ang movie.

Wala syang pakialam sa movie. Basta ang alam nya, magkatabi sila ngayon.

Tutok ito sa panunuod samantalang sya ay hindi makapagconcentrate sa pinapanuod nila. Paano namn sya makakapagconcentrate? Naaamoy nya ang pabango nito. Ramdam nya ang presensya nito. Nakadantay ang ulo nito sa balikat nya!

Kasalanan na ba yung nagagawa nya? Kaibigan nya si Trey!

Maya-maya ay umayos ito ng upo.

Kissing scene na ang nasa screen.

Napalunok sya at napatingin dito.

Mataman lang itong nanunuod. Walang pakialam sa kanya at hindi talaga nahahalata ang uneasiness nya. Oo nga pala. Reyna din ito ng mga manhid. Proven na iyon.

Natapos  ang movie na wala syang naintindihan na kahit ano. Wag lang sana itong magtanong.

“Ang sakit na sa paa nitong heels. Pinagsuot mo pa kasi ako nito eh.”

“Gusto lang kitang makitang nakapambabae ulit.”

Nag-pout lang ito sa kanya. Cute. “Powertrip.”

“Ano na ang plano mo?” tanong nya.

“Akala ko ba ikaw ang bahala sa date na ito?”

“Well, ang plano ko sa date na ito ay ikaw ang masusunod.”

“Umalis na tayo dito. Napapagod na ako.”

-- 

Naisip nyang dalhin ito sa tambayan nilang dalawa. Isang lugar iyon na puro puno kaya naman hindi mainit kahit medyo may araw pa. umupo ito sa isang bench at hinubad ang suot nitong sapatos. Minasahe na rin nito ang mga binti nito.

“Kahit kailan, hindi ako masasanay sa mga ito. Lalaki nga yata ako.”

Natawa sya. “Ngayon mo lang napansin?” inis nya rito.

Tumawa rin ito. “May boyfriend ako kaya I know na I am a girl.”

Yeah right.

“Mahirap din palang magpalda ng ganito. Hindi ako makapag-indian sit. Pa-dress dress ka pa kasing nalalaman.”

“Hindi dress iyang suot mo.”

Sinampal sya nito ng mahina sa mukha.

“Don’t touch my face!” sabi nya.

“Arte mo talaga kahit kailan.”

Tiningnan lang nila ang mga puno at mga tao. Nagkwentuhan ng kung anu-ano.

“Nagugutom na ulit ako.”

“Pizza, gusto mo?”

“Magandang idea yan!”

“Pwes, umuwi na tayo.”

“Uuwi?”

“Doon na kita papakainin ng pizza. Take out na lang tayo.”

********************

ang gara pala ng mga pagkakaputol ko. so weak.

sayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon