sayang c6

13 0 0
                                    

hindi po ito rated pg. at spg. botcha lang ako.

*******************************

Nasa dirty kitchen na sila at nag-uurong ng mga pinagkainan. Ito ang nagsasabon at siya ang nagbabanlaw. Mamaya ay pupunasan pa nila ang mga hinugasan nila.

“Ang alam ko kasi galing ako sa byahe nito eh. Plus the fact na bisita ako sa party mo.” Litanya nito.

“Oo na. Oo na.”

Tumahimik na lang din ito at patuloy na naghugas. Napikon ba?

“Hoy!”

“Bakit?” tanong nito.

“Napikon ka ba?”

Natawa ito. “Paranoid? Pagod lang yan tropa.”

“Hindi ako paranoid.”

“Maniwala ka sakin. Paranoid ka minsan.”

Umiling sya at tumingin dito. “Asa ka.”

“Bakit mo ba laging pinapalabas na malakas ka? Ang lahat ng tao may kanya-kanyang weaknesses.”

He just kept quiet.

“Minsan nakaka-intimidate ka tuloy. At nakakahiya tuloy na ipakita sayo na weak ako minsan. Feeling ko kase pagtatawanan mo lang ako kapag umiyak ako sa harapan mo.”

Muli lang ulit syang tumingin dito. Napakadalang kasi nitong magshare ng mga problema sa kanya, samantalang lahat yata ng kabaliwan at kalokohan nito ay alam nya.

Ganun ba ang feeling nito?

“Minsan nga maging tao ka naman. Lagi ka kasing si Batman mode.”

He put some bubbles on the tip of her nose.

“Anong trip mo, ha? Alisin mo yang bula sa ilongko kundi sisipain kita.”

“May sarili kang kamay.” Lalo nyang pang-iinis dito.

“Ah ganon? Hahawakan ko na lang ang abs mo.” Inalis nito ang kamay mula sa sabon at hahawakan nga sya.

“Hoy!” sabi nya at agad na pinigilan ang kamay nito. Tumigil naman ito at ipinahid ang ilong nito sa braso nya.

“Pasalamat ka at naka-dress ako ngayon at bawal makipagharutan. Mawawalan ako ng poise.” Pinagpatuloy nito ang paghuhugas.

“Bakit ka nga ba naka-dress?”

“Trip ko.”

“Para kay Trey.”

“Partly. Pero gusto ko talaga mag-dress ngayon. Feel ko lang.”

Natapos na nila ang paghuhugas at pagpupunas. Pumuwesto pa sila sa may dining area at doon naupo.

Nakaupo ito at naka-unan naman sya sa pillow na nakalagay sa ibabaw ng hita nito. Patuloy silang nagkwekwentuhan. Iniinis na nya ito hanggang mapikon na ito at kilitiin na lang sya. Napatayo tuloy sya at nabitin sa pag-unan sa kandungan nito.

Magkwekwento na sya ng mga nangyari sa buhay nya nang dumaan si Trey. Hindi nila ito pinansin.

Pagbalik nito sa kanila ay tumabi na ito kay Anne.

Tumayo na sya. Bigla na syang nawalan ng gana. Maglalaro na lang sya sa taas.

“Hoy. Mamaya ka na maglaro. Ako muna. Ikaw muna ang bahala sa babaeng ito.” Tawag sa kanya ni Trey. “Babahugin ko muna ang mga yon. Mamaya ka na bumida.”

Tumayo na ito.

Bumalik sya.

“Matulog ka na maya-maya ah.” Bilin nito kay Anne.

“Yes, Miss.” Sagot naman nito.

Nawala na si Trey sa paningin nila. Kinuha na nito ang atensyon nya.

“Ano yung sasabihin mo kanina?”

Bumuntung-hininga sya. He just shrugged the ‘awkward thing’ off. Mali ata iniisip nya.

“Matulog ka na lang. Pinagpapahinga ka na ng true love mo.” sabi nya.

Patuloy lang itong nangulit pero hind na sya kumibo. Tumigil din ito maya-maya.

“Ang arte mo talaga kahit kelan. Samahan mo ko sa taas. Pakidala yung bag ko, please.”

Napailing sya. Marunong talaga itong tumiyempo ng sasabihin. Minsan naiisip nya tuloy kung nababasa ba nito ang utak nya.

“Malalaman ko din yang kwento mo. Kukulitin kita sa tamang panahon.”

*************************

sayangWhere stories live. Discover now