sayang c11

6 0 0
                                    

tae. KKMACHO, ibang iba to. haha

************************

Nagpe-facebook sya sa bahay. May message sa kanya. Si Anne.

Bestfriend! :)

Malapit nang mag-pasko. Hahahaha. Wala akong magawa habang naghihintay ng tawag ng kung anu-anong company. Feeling ko mga next year na iyon magpaparamdam. Hindi ko tuloy mararanasan pa yung 13th month pay. Sayang. Hahaha. Pagbigyan mo na ako. Wala talaga akong magawa dito sa bahay eh. Pumasyal ka pa dito kapag wala kang ginagawa dyan sa inyo. Or mag-date tayo. Hindi pa tayo nakakapagdate ever eh. Don’t worry. Magpapaalam naman ako kay Trey. Tsaka harmless ka naman eh. Kaya mag-date na lang tayo as soon as possible. Kasi malapit na tayong mag-work. Alam ko namang ka-career-in natin yun kaya wala na munang oras sa lakwatsa.

Ang haba na nitong message ko sayo. Excited na nga akong magPM sayo para sa Christmas eh. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. Hahaha. Baka kasi sobra ka pang ma-touch at atakihin ka sa puso.

Ang dami ko na palang nasesend na mga ganitong message.

Namimiss ko na kayo. Parang ang tagal nating di nagkita ah. Hahahahaha. Naninibago siguro ang mga mata ko. Araw-araw kasing magkakasama dati. Wala nang nang-aasar sakin. Wala nang nagpapasulat at nagpapaturo ng lesson. Hindi na ako makikitulog dahil wala ang review. At madami pang iba. Nakakatamad naman kayong itext.

At ikaw! Gusto kitang tawagan pero naiisip ko lagi na hindi mo trip makipagusap sa phone! Hahahahaha.

Ang haba na nitong nonsense ko.

Bye. Love you. Sa susunod. Godbless! 

Kahit kelan talaga napakadaldal nito.

May tinitingnan syang mga notifications nang may tumunog. May nagchat.

Anne: hoy

Mac: bakit?

Anne: date tayo

Mac: hahahaha.

Anne: wag mo kong tawanan. Loko ka.

Mac: libre mo?

Anne: bakit ang kuripot mo?

Mac: hahahaha. Lakwatsera.

Anne: Masama bang makipagdate sayo? Ha?

Mac: hahahaha. Kelan?

Anne: bahala ka. Depende sa schedule mo ang date. Tambay ako dito sa bahay.

Mac: hmmmm. Bukas?

Anne: agad agad?

Mac: kita mo. Ikaw ang malabo eh.

Anne: day after tomorrow kaya?

Mac: deal. What time? At saan tayo magkikita?

Anne: May tao ba dyan sa inyo sa makalawa?

Mac: bakit?

Anne: dyan na lang sa inyo tayo magdate.

Mac: wala kang kwenta magdecide ng date.

Anne: oo na. Ano bang gusto mo?

Mac: ako na nga ang bahala.

Anne: yes! Ikaw na talaga ang bahala.

Mac: oo na.

Anne: magpapambahay ako ah.

Mac: ayoko. Hindi tayo masyadong magstay dito sa bahay.

Anne: anu na namang balak mo?

Mac: magdamit pambabae ka

Anne: anung trip?

Mac: basta

Anne: tae ka!

Mac: sumunod ka na lang. kahit dress lang. basta feminine ka dapat.

Anne: dapat ikaw din. Dapat mukha kang tao ah.

Mac: syempre

Anne: anong oras ako pupunta sa inyo nyan?

Mac: susunduin kita sa inyo

Anne: ok. What time?

Mac: 11am

Anne: ok

Mac: magdala ka ng pamalit na damit

Anne: ano ba kasing plano mo?

Mac: wala

Anne: toyo

Mac: day after tomorrow. 11am. Pambabaeng damit.

Anne: opo sir

Mac: good

Anne: babay. Labyu. Mwah!

May date sila.

*********************

sayangWhere stories live. Discover now