sayang c8

9 0 0
                                    

parang ang kapal ko naman para magdedicate.

***********************

Late siyang nagising kinabukasan.

Nakaalis na ang mommy at daddy nya. Pumasok na ang mga ito sa trabaho. Siya pa lang ata ang gising sa barkada. Mag-tatanghalian na kaya kailangan na nyang kumilos at magluto ng kakainin nila.

Dumiretso sya sa kusina. Doon nya nakita sila Trey at Anne na nagluluto na. Si Anne ang nakaharap sa gas range at si Trey naman ay kumukuha na ng mga serving plate.

Mas maganda sana ang umaga kung sila ni Anne ang magkatulong na nagluluto ng tanghalian ngayon.

Move on, man!

Ang tagal-tagal na ng bagay na iyon pero di mo pa rin makalimutan!

“O gising ka na pala, Mac.” Pansin sa kanya ni Trey. “Gisingin mo na din sila. Malapit na ito.”

Kumuha sya ng baso para kumuha at uminom ng tubig. “Anong oras kayo nagising?”

“Mga past nine o’ clock. Ginising ko si Trey dahil ang sabi ko sa mama mo dati na ako ang magluluto ngayon. Buti nga at payag si tita.” Si Anne ang sumagot.

“Babawi daw si Anne sayo dahil ang tagal nyong hindi nagkita.”

“Maglinis ka pa kaya ng bahay?” biro nya.

Binelatan sya nito.

-------

Iniwan nya ang dalawa at umakyat na sa taas para gisingin na ang iba pa. Dinatnan nya ang mga kolokoy na gising. Mga bagong hilamos.

“Si Trey?” tanong ni Sean.

“Nandoon na sa baba. Katulong si Anne magluto ng lunch.”

“Nasasaktan na naman ang kaibigan natin.” Si Rance.

“Ang bagal kasi. Dati pa dapat yan eh. Naunahan tuloy ni Trey.” Gatong ni Vince.

“Ano bang pinagsasabi nyo?”

“Maang-maangan ka pa. Alam naman naming yung feelings mo kay Anne. Third year pa lang, halata na namin.” Sabi ng nakahilatang si Ben.

“Nagpustahan pa nga kami eh. Kung sino ang magtatapat sa inyo si Anne.” Si Rael.

Hindi sya makapaniwala. All this time pala ay alam nila? Tae.

“Ang nasesense naming noon ay may gusto talaga sya sayo. Eh ganun ka din naman para sa kanya. Kaso si Trey na hindi alam ang pustahan ay may balak palang manligaw. Noong malaman mo na nanliligaw na si Trey ay madalas ka ng tahimik o wala sa mood. Lalo na nung naging sila.” Nagpaliwanag na si Sean.

Wala nang sense kung tatanggi pa sya. Hindi din naman papatulan ng mga ito ang pagmamaang-maangan nito. “Paano nyo to nalaman?”

“Simple lang. May utak kami. Observant kami, tropa.” Si Rance ulit.

Tiningan nya si Martin na hindi nagsasalita.

“Wala ka bang sasabihin dyan?” tanong pa nya.

“Bakit pa ako magsasalita? O de lalo kang lumubog sa ka-stupid-an mo? Bestfriend pang nalalaman. Umpisa pa lang may malisya na.”

********************

naalala ko lang ang mga sira-ulo kong kaibigan. mga botcha.

sayangWhere stories live. Discover now