sayang c2

27 0 0
                                    

continuation. forever Mac's point of view po ito.

******************

Sa sumunod na linggo ay nagtanong si Trey sa kanya kung pwedeng ligawan si Anne.

Sa kanya talaga nagtanong?

Wala naman syang pakialam dun. Buhay nila yon. Ang sabi pa ni Trey ay hahanap muna ito ng right timing.

Hanggang ang right timing ay tumagal ng ilang buwan. Hindi na yata nito itutuloy ang balak.

“Mac!”

Nilingon nya ang tumawag sa kanya.

Si Anne.

“Nanliligaw ba si Trey? He gave flowers.” Tiningnan nito ang mga bulaklak.

There is something in her eyes. May kung anong fondness sa mga mata nito. Abot tenga ang ngiti.

Don’t tell me na kinikilig si Anne?

“Do you like it?” tanong nya.

“Oo naman,” maganda ang mood ng loko.

“I thought lalaki ka. Babae ka pala.” Naaasar na sabi nya.

Hindi nya naisip na gusto nito ng mga bulaklak. Lagi nya kasing naririnig ditto na mas gusto nito ng pagkain sa nakakain kaysa sa bulaklak na nalalanta.

Nawala ang ngiti sa mga labi nito. Napayuko pa ito.

“Oo babae pala ako. Babae naman talaga ako. Masama bang mabigyan ng mga bulaklak? Masama bang ligawan? Minsan ko na nga lang maramdaman na babae ako, pinagkakait mo pa. Kahit na gaano pa ako kakomportable na kasama kayong mga lalaki, isipin ko man na one of the boys ako dahil sa closeness natin, babae pa rin ako. Iba pa rin sa pakiramdam na kahit ganito ako kumilos ay may magtatangka pa rin na manligaw sa akin. Iba pa rin kapag trinatrato ako bilang isang babae. Sana naman wag kang ganyan. Nakakaiyak naman kasi.”

Tumalikod na ito sa kanya at nagmamadaling lumakad palayo.

Tae. Anong ginawa nya?

-----

Kinabukasan, nagulat na lang sya dahil kinausap sya ni Anne na parang hindi nya ito pinaiyak kahapon.

“Hoy! Pagpasensyahan mo na ang kadramahan ko kahapon. Inandaran na naman ako ng pagiging babae.” Hingi nito ng pasensya sa kanya. Inakbayan pa sya nito. “Wag ka nang maarte.” Kiniliti pa sya nito.

Napangiti sya. Kinabahan pa naman sya kanina nung papalapit ito. Iniisip na nga nya kung paano ito kakausapin. Nakahinga na sya ng maluwag.

Ang babae talagang ito walang pride. Mabait talaga ito.

“Bati na tayo?” tanong pa nito.

Natawa sya. Inakbayan na din nya ito.

“Oh yeah! Iprint mo naman ako nung kelangan nating frontpage sa strength.”

Kaya naman pala.

Napailing at napangiti sya. “Ok.”

****************

sayangNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ