sayang c4

49 0 0
                                    

ang bilis. to you mam FG. ang kwento mo ang una kong nabasa. sorry. assuming.

************

TWO YEARS LATER.

21st birthday nya ngayon.

May inahandang maliit na party ang parents nya dahil bukod sa birthday nya ay pumasa sya sa board exam five days ago.

Now, he is a liscensed civil engineer. Imbitado ang lahat ng close friends nya simula highschool hanggang college.

Maghapon na okupado ang bahay nila ngayon. Umaga dumating ang mga kaibigan nya noong highschool. May trabaho na kasi ang mga ito kaya hindi na masyadong magpabanjing-banjing.

Ang mga kaibigan naman nya ngayong college ay hapon na daw pupunta. Tutal ay mag-o-overnight ang mga ito sa kanila. Wala pang mga trabaho dahil kapapasa pa nga lang.

Mabilis na lumipas ang maghapon.

Wala na ang mga highschool friends nya pero di pa rin kumpleto ang barkada nya. Sila Trey at Anne na lang ang hindi pa dumarating. Ang sabi naman nung dalawa ay pupunta ang mga ito.

“Dinner na sila makakarating,” sabi ni Sean.

Oo nga pala. Ngayong araw ang uwi ni Anne galing Davao samantalang si Trey naman ay may family reunion na pinuntahan.

Busy ang mga kaibigan nya sa paggamit ng computer. Ang iba ay tumutugtog ng gitara. Yung iba ay nagkwekwentuhan lang. Ang sabi kasi ng mga ito ay hihintayin na nito na dumating yung dalawa para sabay na ang lahat sa pagkain. Nagbilin na din ang mama nya dahil magpapahinga na ang mga ito.

Patapos na syang maglinis ng garahe ng sabay na sumulpot ang dalawa sa gate nila. Hinayaan nya ang dalawa na pumasok dahil mag-aayos na sya ng kakainin nila.

Ngayong nakumpleto na ang barkada dahil dumating na ang pinakamaingay sa lahat - walang iba kundi si Trey – mas lalo tuloy umingay. Masaya kasi ang lahat. Tapos na ang nakakalokong pagkakabisado ng formula at identities. Tapos na din ang tension sa paghihintay ng resulta. At higit sa lahat, they passed.

Nagkwekwentuhan pa rin ng kung anu-ano habang kumakain. Nag-aasaran. Nagtatawanan. Pagkatapos ay may nilabas si Trey. Regalo para sa kanya.

“O ayan. Happy birthday bossing. Mwah mwah tsup tsup.”

“Galing saming lahat yan.”

“Bayaran mo na lang kapag may trabaho ka na.”

Natawa sya. Inabot nya ang regalo at itinabi. Bukas na nya ito bubuksan.

“Salamat tropa.”

“Ay ako din may gift.” Tumayo si Anne at may kinuha sa bag nito.

Noon lang nya napansin ang suot nitong damit.

Tae.

Why is she wearing a dress?

May iba dito ngayon.

O iba lang talaga ang itsura nito kapag feminine ang suot?

Pati ang mukha nito ay iba na. Mukha na talagang babae.

Now, she has a certain aura that’s unnerving him.

Kahit naman noon maganda na ito. Nag-improve lang talaga ng husto ngayon.

Lumapit ito sa kanya at nanyakap. “Happy birthday, Mac!”

“Nagseselos ako!” sigaw ni Trey na ikinatawa ng lahat.

Itinuloy ng lahat ang pagkain. At as usual, si Anne na naman ang nahuli sa mesa. Narinig nyang itinaboy na nito si Trey para makasama na ito sa mga maglalaro sa taas ng DOTA.

Naiwan sya doon na hinihintay itong matapos. Ang mga kaibigan naman nya ay kanya-kanyang bitbit na ng laptop at umakyat na sa taas para maglaro.

“Ice cream,” demand nito.

“Abusado ka,” reklamo nya pero kinuha pa rin nya ito ng ice cream.

********************

sayangWhere stories live. Discover now