sayang c14

5 0 0
                                    

*******************

Naalimpungatan sya dahil sa boses na tumatawag sa kanya.

Wala pa syang planong gumising. Maya-maya na.

Hinigpitan nya ang yakap nya sa unan. So warm. Pero bakit parang hindi masyadong malambot? May buto na ba ngayon ang unan?

“Mac.”

Tae. Si Anne yun.

Nagmulat sya ng mga mata.

He was startled.

Masyado silang malapit sa isat-isa. Di ba ito naiilang?

“Naiipit na ako.” Sabi nito.

Naiipit?

Yakap nya pala ito. Papakawalan na nya sana ito nang may maisip syang idea.

Hindi nya inalis ang mga braso nya mula sa pagkakayakap sa babaeng katabi nya ngayon. “Wait lang.” sabi nya dito.

Hindi naman ito nagreklamo but she did not hug him back. Aw.

“May problema ka ba?” tanong nito.

Oo. “Wala.” Sagot nya.

“Mukhang meron eh.” Kulit nito.

Hindi na sya sumagot.

“Nagsisikreto ka na naman.”

Alangan namang sabihin ko sayo na ikaw ang problema ko.



“Wala nga. Ang kulit mo.”

Silence.

Dapat ba nyang sabihin ang nasa utak nya ngayon?

sayangWhere stories live. Discover now