sayang c10

5 0 0
                                    

walang maisip

*****************************

Hindi pa rin tapos ang mga celebration ng mga pumasa sa board. Si Martin ay nag-aya sa bahay ng mga ito. Last na inuman daw bago maging busy sa paggawa ng mga resume. Hindi agad naipaalam kay Anne ang balak ni Martin kaya hindi ito nakasama. Ang dami ngang lakad ng babaeng yun ngayon. Kung saan-saan pumupunta.

A typical boys night out.

Wala si Anne.

Umiinom na ang lahat maliban sa kanila ni Trey na hindi talaga umiinom pwera sa wine, tubig at juice. Magkakasama silang nakaupo at nagkwekwentuhan.

Ibang klase talaga ang mga kaibigan nya kapag nalalasing. Kung anu-ano ang mga sinasabi at ginagawa. Totoo na nakakapagusap sila ng seryoso kahit mga nakainom. Naglalabas na ang mga ito ng mga buhay pag-ibig.

“Si Trey lang ata ang masaya sa lovelife nya ngayon.” Pansin ni Rance.

“Ako pa. Mahal ko eh. At mahal ako.” Sagot ni Trey.

Kinantyawan pa nila ito.

“Kaya ang hanapin nyo, yung parang si Anne. Hindi maarte at malinaw kausap.”

“Nag-aaway ba kayo?” tanong ni Vince. “Parang hindi pa yata.”

“Nag-away na yan. Napansin ko minsan na tahimik na tahimik si Anne.” Si Rael.

Sumangayon naman yung iba.

“Yung mga nakakabadtrip naman kay Anne eh mga simpleng bagay lang. Sa sobrang babaw eh napagtatawanan ko tuloy. Kaya lalong naiinis.” Sabi ni Trey habang tumatawa.

Tahimik lang syang nakikinig. Tutal wala naman syang masasabi.

“Naaasar ako kapag late sya. Tapos ililibre nya ako para makabawi. Ok na. Oh kaya kapag nababadtrip ako dahil sa pangyayari o sa isang tao, hahawakan lang nya ang kamay ko at titingnan. Hanggang sa matawa na ako sa itsura nya.”

“Ayieee!”

“Mga loko!” napapailing na si Trey habang nagkwekwento.

“Uminom na nga lang tayo. Kinikilig na masyado ang kaibigan natin.”

Nagtuloy-tuloy lang ang pag-inom nila hanggang sa matuluyang malasing ang iba. Yung iba naman na hindi pa lasing ay pinagtatawanan na ang mga nawawala na sa katinuan. Pinaakyat na ni Martin ang lahat para makapagligpit na kahit papaano.

Umakyat na ang lahat at naiwan sila ni Trey para mag-ayos ng mga kinalat ng mga lasing. Nagpatulong na din kasi si Martin. Aasikasuhin muna nito ang mga iba.

“Gusto ka ni Anne dati.” Nagsalita si Trey.

Hindi nya inaasahan ang sasabihin na iyon ni Trey. Alam pala nito iyon. Tinablan na ba ito ng wine? Wine lang yon.

“May ipinabasa si Anne sa akin na isang sulat na tungkol sayo. Isinulat nya ang lahat ng nasa puso nya. Para ngang hindi sya ng nagsulat nun. Punung-puno kasi ng emotions.”

Sulat? Walang nasabi tungkol sa isang sulat si Anne. “Anong sulat? Anong nakalagay?”

Nag-isip ito na tila hinuhukay ang utak nito para alalahanin ang bagay na iyon.

“She described you. She mentioned na napakatagal mong maligo. Inisa-isa nya ang mga bagay na alam nya tungkol sayo. Nakalagay doon na gusto ka nya. Pero hindi clear na mahal ka nya. Yun nga ang nakakapagtaka dati. Nakalagay na gusto ka nya pero hindi nya sinabi na mahal ka nya.”

Pinili nya ulit na manahimik na lang. Sakit sa lalamunan men!

“Sa last part nakasulat ang acceptance na you two will stay as friends. She chose to be your bestfriend. She let you go kahit di mo alam na gusto ka nya.”

Patuloy lang sila sa pagliligpit ng mga kalat.

“I remember the last line. ‘I can never have him but I can be his friend. I may not be the one for him, but for the one in the future I will be.’ Ang galing nyang mag-express. Pwedeng maging writer. Niloloko ko nga na igawa nya ako ng ganun.”

Nakatitig lang sya sa mesa.

Wala syang nahalata. Kung nahalata sana nya iyon dati ay baka mgakaroon sya ng lakas ng loob na magtapat dito. Sabagay, lately nga lang nya narealize at natanggap na gusto nya ang babaeng iyon.

Kung hindi pa nagtapat sa kanya si Anne nung nakaraan ay wala talaga syang alam. Tapos ngayon ay may nalaman pa siya mula kay Trey.

Naalala nya ang debut ni Anne noon.

Third year college. Isinayaw nya ito pagkatapos ng program. He was her first dance. Hesitant pa nga ito noong una. Pero naging at ease din ito after a few moments. Humigpit pa nga ang yakap nito sa kanya. Akala pa nga nya ay mangungulit ito pero naririnig na nya itong umiiyak ng mahina. Hinayaan lang nya itong umiyak habang magkayakap sila. Ayaw na ayaw kasi nitong may makakita dito na umiiyak. Wala din itong sinasabi nang gabing iyon.

Tahimik lang silang dalawa. Hinahagod nya ng likod nito at nakasubsob lang ang mukha nito sa dibdib nya. Kahit na gustong-gusto nyang tanungin ito ay hindi nya ginawa. Maya-maya ay nag-thank you ito sa kanya at yumakap ulit ng mahigpit. Humiwalay na ito sa kanya at nakita nya itong pumunta kay Trey. Naisip nya na sobrang natutuwa lang ito.

“Iniyakan ka nya. Maniwala ka man o hindi. Debut nya noon pero iyak sya ng iyak sa akin. Ang higpit higpit ng yakap nya. Pigil na pigil din ang pag-iyak nya. Ayaw nya kasing may makarinig at makakita. Papakawalan na daw nya ang crush nya. Titigilan na daw nya.”

Shit.

Shit.

Shit.

“Alam mo, doon nagsimula ang pagkamangha ko sa kanya. She is so strong to let you go. Sabagay. Letting go is hard. Letting go of someone you love is impossible.”

Shit.

“Since then, parang protective na ako sa kanya. Ayoko na syang makitang umiyak ulit. Kaya ako na ang magpapasaya sa kanya. Kung papaiyakin ko man sya, tears of joy dapat.”

Nakuyom nya ang kamay nyang may hawak ng kalat.

Shit.

“Kaya salamat sa pagpapaiyak mo sa kanya kahit di sinasadya.”

****************************

sayangWhere stories live. Discover now