Kabanata 16

100 5 0
                                    

River's POV


"Hoy! Biro lang yun hehe." Naiilang na sabi ni Mike nang sabihin ni Rio yun.


"Tss. Dito ka muna?"


"Oo. Namatay na lahat ng tauhan ko." Seryosong sabi ni Mike na sabay na ikinakunot ng noo ni Rio at Kuya Aiken.


"Sinong pumatay?" Tanong ni Kuya. Ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko dahil sa tanong na yun. Hindi nila pwedeng malaman na pumunta ako dun.


"Hindi ko namukhaan eh." Gusto kong magulat sa sinabing yun ni Mike. Pero gusto kong magpasalamat. Hindi nya ako isinumbong. Alam ko naman kaseng sa oras na malaman ni Rio na tumatakas ako tuwing gabi, babantayan na nya ako sa bawat misyon ko.


"Paano kayo nagkita ni River?" Tanong ni Rio. Ayan na. Nagtatanong na sya.


"Magkasama kayo diba?" Tanong ni Remmie at bahagya pang tumingin sakin. Pakiramdam ko ay nakagawa ako ng napakalaking kasalanan.


"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ni Rio kay Remmie.


"Umalis si River kagabi. Kaninang umaga lang sya umuwi."


"Hmm?" Tanong ni Rio sakin bago tumingin kay Mike. "Paano kayo nagkita ni River?"


"Nung may sumugod sa lugar ko ay umalis na agad ako dun bitbit ang maleta ko. Sakto namang may natigilan akong kainan, dun ko sya nakita. Pamilyar eh. Kaya kinausap ko."


"Dun ka nagpalipas ng gabi?" Tanong sakin ni Rio. "Bakit?"


"K-kas—-"


"Bakit ba ang dami mong tanong sa asawa mo?" Natatawang tanong ni Kuya na dapat ko atang pasalamatan. "Wala namang gagawin 'yan na ikapapahamak nya. Sa ngayon, mag-isip nalang muna kayo ng lugar kung saan tayo kakain dahil nagugutom na ako. Tara, Mike." Yaya ni Kuya at hinila si Mike paalis.


Nakagat ko ang pang ibaba kong labi sa inastang yun ni Kuya. Alam kong tinulungan nya ako dahil hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong ni Rio. Pakiramdam ko ay may gusto syang malaman sakin at gusto nyang sabihin ko mismo yun.


"Nagugutom ka na 'rin ba?" Tanong ni Rio at bahagya pa akong inakbayan. Mukhang hinayaan nalang ang tanong nya.


*sigh*


"Oo. Ikaw ba?"


"Gutom na rin. Tara." Napuno ng tawanan at biruan habang naglalakad kami sa isang kainan. Kahit sila Tabitha ay kasama namin. Si Tris naman ay sumunod din samin. May tinapos lang daw syang report para sa sage bago sya dumiretso dito.


"Ewan ko dyan sa dalawang yan! Iniinggit ako nung misyon namin!" Rinig kong pagsusumbong ni Simon kay Mikael na natawa nalang. "Namiss tuloy kita! Sila kase eh! Pinalala pa nila yung pagkamiss ko sayo." Hindi ko maiwasang hindi panoorin si Simon at Mikael. Alam ko naman kaseng pareho lang ang nararamdaman nila. Hindi ko lang alam kung bakit sa tuwing inaasar namin si Mikael kay Simon ay itinatanggi nya.


"Alam mo Kuya Simon, mas okay sigurong manahimik ka nalang." Sabat ni Callie at kinuha ang kutsara at tinidor na inaabot ni Remmie. "Nagbibigay ka nalang ng mema-kwento kay Ate Mikael. Tss."


"H-hoy! Ano..h-hindi ah!"


"Tss. Ang torpe naman natin." Natatawang pang-aasar ni Tris at tumingin kay Kuya. Kyahh!!


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now