Epilogue

185 4 0
                                    

River's POV


"R-rio?" Gulat na tanong ko sa kaniya na ngayon ay nakangiti habang hawak-hawak ang kunai na dapat ay tatama sa akin. Bahagya niya pang tiningnan si Ryan bago humarap sa kalaban.


"Y-yasha?" Nagugulat na tanong nung lalaki na nagbato ng kunai pero ngumisi lang si Rio at naglakad papalapit sa kanila na ikinaatras nilang lahat.


"Hmm?"


"P-paanong?" Nagugulat pa 'rin na tanong ng kalaban.


"Ahh...," natatawang sabi ni Rio. "Mag-ina ko." Turo ni Rio sa amin ni Ryan kaya nanlaki ang mata ng kalaban at agad na lumuhod.


A-anong nangyayari?


Alam ko naman na mataas ang posisyon ni Rio, pero kelan ba ako hindi masasanay sa ganito?


"H-hindi n-namin alam."


"Hmm. Akala ko ay alam 'yun ng lahat. Bago ako umalis ay sinabi ko sa lahat na galawin na nila ang lahat wag lang ang mag-ina ko. Mukhang hindi nakarating sa grupo mo ang balitang 'yun." napapatangong sabi niya habang hinihila ang espada na hawak-hawak niya. "Sa anong paraan niyo gustong mamatay?"


Literal na bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong na 'yun! Napakasimple ng tanong na parang tinatanong mo lang ang kaibigan mo kung kumain na ba siya!!!


"Sa paraan na pahirapan o mabili——" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nagtakbuhan na ang mga kalaban. "Tss. May naghihintay naman sa kanila sa labas." Natatawa niya pang sabi na parang aliw na aliw siya sa napanood niya bago lumingon sa amin.


Ramdam ko ang mahigpit na pagkapit ni Ryan sa damit ko at bahagya pang nagtago sa likuran ko nang tumingin sa direksiyon namin si Rio.


"Petrucelli." Nakangiting sabi ni Rio at agad na naglakad papalapit sa akin. Binitawan niya pa ang espada na hawak niya. Gusto ko pang magulat nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. "Miss na miss kita." Emosyonal na sabi niya at tumingin ng diretso sa akin. "Kamusta?"


"B-bumalik ka na." Emosyonal din na sabi ko at bahagyang hinawakan ang mukha niya. "P-paanong?"


"Dala ko ang lahat dito." Natatawa niya sabi na ikinakunot ng noo ko. "Pati ang hukom."


"Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ko na ikinatawa niya. Ramdam ko pa ang bahagyang paghalik niya sa noo ko. "Pero diba,"


"Gumawa ako ng paraan. Anim na taon na
'rin."


"Hindi ba——"


"Shh." Nakangiti niya sabi at sinenyasan akong tumabi.


Talaga naman.


"Ryan." Tawag niya kay Ryan na tumingin naman agad sa kaniya pero nanatili pa 'rin sa likuran ko. "Halika."


"P-pero po,"


"Anong problema? Halika, anak." Tawag niya pero emosyonal na tumingin sa akin ang anak ko. Gusto kong umiyak nang makita ang unti-unting pagtulo ng luha niya at maya-maya ay humihikbi na siya kaya nagpanic agad si Rio.


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now