II. Kabanata 42

129 6 1
                                    

River's POV


Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko nang makita muli sila Rehan. Masaya ako, dahil sa wakas magiging masaya na ang ilan sa mga kaibigan ko. Hindi na nila kailangang mag-alala pa dahil eto, at bumalik na ang hinihintay nila. Samantalang malungkot naman ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Ryan kapag nakita niya sila Tabitha. Sasabihin ko ba na nagmula sila sa grupo ni Rio? Napaka-kumplekado lalo na't meron sa kaisipan ng anak ko na hindi si Rio ang tunay niyang ama.


*sigh*


Ilang oras pa ang lumagpas bago ako napaupo sa sahig sa pagod na naramdaman ko. Hindi ko pwedeng sabihin na tapos na dahil ang totoo niyan, hindi pa. Sadyang kumonti nalang ang mga kalaban at ang iba pa doon ay nasa labas na ng hoshiga. Alam kong ang yasha na ang bahala dun.


"Tara na. Bumalik na tayo sa kanila." Nakangiting sabi sa akin ni Kuya habang hawak-hawak ang kamay ni Reese na nakangiti 'rin sa akin. "Konti nalang River. Matatapos na 'to."


"K-kuya."


"Puntahan na natin ang mga anak natin." Gusto kong maiyak na naman. Hindi ko alam pero pakiramdam ko hanggang ngayon ay alam na alam pa 'rin ni Kuya ang nararamdaman ko. Yung kaisipan na alam mong may taong ganon sa'yo, talagang magiging emosyonal ka. Nakakagaan ng loob.


"Mama! Papa!" Rinig kong sigaw ni Harken at agad na yumakap kay Kuya at kay Reese nang makarating kami sa station. Inilibot ko 'rin ang mga mata ko at natagpuan ko nalang si Ryan na diretsong nakatingin sa 'kin. Sinisipat ang sugat na nakuha ko.


"Sabi mo hindi ka magpapasugat." Natawa ako sa sinabi niya at hinila siya papalapit sa akin nang makita ang pamumula ng ilong niya. Napaka-iyakin ni Ryan. Hindi ko alam kung kanino nagmana.


"Okay lang si Mama."


"Tapos na po ba?" Naghahangad na tanong niya. "Gusto ko ho tumulong, Ma. Pwede ho ba akong tumulong sa inyo?"


"Alam mo bang sobrang laki na ng tulong mo sa 'kin?" Nakangiti kong sabi sa kaniya. "Ikaw nalang ang dahilan ko kaya ko ginagawa ang lahat ng 'to, Ryan."


Kita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti niya sa sinabi ko pero nawala din agad 'yun nang mapatingin siya sa mga taong nasa likuran ko.


At dun ko nakita si Tabitha, Rehan at Kalen na nakatingin ng diretso kay Ryan.


"S-si Ryan na ba 'yan?" Emosyonal na sabi ni Tabitha na ikinatango ko. Sabay-sabay silang umupo para magpantay sila kay Ryan na nanatiling nakatingin sa kanilang tatlo.


"Sino po kayo?"


"Ang laki mo na." Natatawang sabi ni Rehan at bahagyang ginulo ang buhok ng anak ko. "Siguradong matutuwa ang pinuno kapag nakita ka niya."


"Pinuno po? Ano po 'yun?" Nagtatakang tanong ng anak ko na ikinatawa nila Kalen.


"Gusto mo bang turuan kita magsanay?" Tanong ni Kalen na agad ikinangiti ng anak ko. Basta mga ganiyang bagay tuwang-tuwa talaga siya.


"Talaga po?! Sino po ba kayo? Kaibigan ho ba kayo ni Mama?"


"Oo, tsaka ng Papa mo." Diretsong sabi ni Kalen na ikinatigil ko. "Malapit kaming kaibigan ni Rio."


"S-si Papa po?" Tanong ni Ryan na ikinatango nung tatlo. "E-edi, hindi niyo din po ako gusto?"


Kita ko ang dahan-dahang paglingon sa akon nung tatlo sa biglaang tanong na 'yun ni Ryan. Hindi lang 'yun dahil nagsimula na 'ring magtago ang anak ko sa likuran ko na para bang nawala yung saglit na pagkatuwa niya sa mga taong nasa harapan namin ngayon dahil sa sinabi ng mga ito.


Battle Of Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon