Kabanata 7

134 3 1
                                    

River's POV


Muling nabalik sa harapan ang atensyon naming lahat pero ang iba ay pasulyap-sulyap sa tatlong bago sa paningin naming lahat. Gusto kong manibago. Bakit ganon nalang sila hinayaan ni Papa na manatili dito? Parang ang dali nilang nakapasok. Samantalang hindi naman sila tagadito sa Hoshiga.


"Killian, Tabitha at Finn." Tawag ni Tris na ikinaangat ng tingin ko. Hindi ko inaasahan na hihiwalay agad si Tabitha sa dalawa nyang kasama. Pero dahil mukhang balewala lang naman sa kanya yun, hindi ko na sila pinansin pa.


"Aiken, Remmie at Fara." Napalingon ako kay Kuya nang tumango sya at lumapit kay Tris para malaman ang misyon na ibinigay sa kanila. Hindi naman na bago sakin yun dahil nanonood naman ako ng ganito dati. Tsaka isa pa hin—-


"River, Maxie at Kalen." Napatigil agad ako at gulat na napatingin kay Tris sa sinabi nyang yun. Inaasahan ko na ang makakasama ko ay si Rio dahil natawag na si Kuya. Pero walang Rio akong narinig. Muli ko pang nilingon si Rio na kunot noo ring nakatingin kay Tris na nagkibit balikat nalang. Ramdam ko ang paghila ni Maxie sakin papunta sa harapan. Nasa likod namin si Kalen.


Misyon sa bayan ng bagakay. Kailangan lang namin hintayin ang isang grupo at tigilan ang gulong dala nila. Agad na kaming gumilid ni Maxie para mabigyan ng daan ang mga natawag pa. Kita ko rin ang pagkunot ng noo ni Kuya sa gilid ko. Talagang tumabi kami sa pwesto nila dahil sinenyasan nya ako.


"Ang sabi ni Papa, ako o kaya si Rio ang makakasama mo sa unang misyon mo. Pero kahit isa samin ay walang lumabas sa grupong kinabibilangan mo." Madiin na sabi nya na ikinabuntong hininga ko. "Ang malala pa, isinama ka sa taong hindi natin alam kung ano ang layunin dito sa hoshiga."


"Kuya." Awat ko na ikinalingon nya. "Kasama ko si Maxie."


"Wag ka mag-alala Aiken. Ako na ang bahala." Natural na sabi ni Maxie na ikinabuntong hininga nalang ni Kuya.


"Rehan, Simon at Reese." Napapailing pa si Simon na maglakad papunta sa harapan. Natutuwa ang isang 'to. At hindi ko alam kung bakit. Huling tinawag ang grupo na kinabibilangan ni Rio.


"Callie, Castrielle at Rio." Mukhang bad mood na sya dahil seryoso nalang syang naglakad palapit kahit ang ilan sa mga kababaihan ay nakatingin sa kanya. Hindi ko alam pero hindi ko rin gusto ang grupo ngayon.


"Bibigyan kayo ng limang araw para kumpletuhin ang misyon nyo. Aasahan namin kayo." Kaswal na sabi ni Tris at tuluyan ng naglakad paalis kasama sila Papa. Nang makalabas sila ay agad na naglapitan ang ilang warrior kila Tabitha. Pero ang tatlong taong yun ay naglakad na paalis sa lugar na 'to nang walang ibang nililingon.


"Kakausapin ko si Papa." Biglang sabi ni Rio sa tabi ko na ikinangiwi ko. "Ang usapan ay isa samin ni Aiken ang makakasama mo sa unang misyon. Pero wala sa usapang yun ang natupad kahit isa."


"Kasama ko si Maxie."


"Alam ko."


"Okay lang yun. Limang araw lang naman eh."


"Tss. Umuwi na tayo." Yaya nya at hinila na rin ako paalis sa lugar na yun. Kumaway lang ako kila Kuya bago nagpahatak ng tuluyan kay Rio.


Hawak hawak nya ang kamay ko papalabas ng building nila Papa. Bahagya pa akong nagulat nang makita sila Tabitha na nag-uusap usap dun. Lumingon din sila sakin at hindi napalagpas ng mata ko ang sabay sabay nilang pagtingin sa kamay ko at sa kamay ni Rio. Kita ko 'rin ang bahagyang pagngisi ni Rehan. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa presensiya nilang tatlo.


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now